CHAPTER 12

1 0 0
                                    





"Ready na kayo?"

I'm currently fixing my hair while talking to Ate Kim sa phone, hindi na ako sa kanila sasabay since mag-isa lang si Sienna. Akala ko naman okay lang sa kaniya ang mag-isa sa car, pero inaya niya ako kanina na sa kaniya na sumama papuntang LU.

[Yeah, palabas na us. Dapat before sunrise nandon na tayo, ah.]

"Oo, mabilis lang 'yan." Sabi ko kahit hindi ako sure. Maganda kasi mag picture habang sunrise pa para cute tignan. Excited na ako since first getaway namin 'to ni Dave, and mas maganda kasi kasama family ko.

Kinuha ko na ang isang maleta ko na puno ng mga pang change outfit ko for two days. Nasa harap na daw ng building si Sienna kaya nagmadali na akong kumilos.

"Bagal." Reklamo niya nang makapasok na ako sa kotse niyang amoy na amoy mo ang pabango. Ang sakit naman sa ilong!

"Sandali lang naman, no." Sagot ko sa kaniya. Nilagay ko 'yung hand carry bag ko sa tabi at nag-message naman muna kay Dave.

chinielim: where na u, babe?

I felt kilig sa sarili kong sinabi, I don't know why! Siguro kasi first time ko 'to and happy ako with my boyfriend. I hope ganito palagi kahit matagal na.

"Patugtog ako, ah. Bawal antukin ang magandang driver." In-on ni Sienna 'yung radio and pumili ng station.

"Driver kita, ako 'yung main character today." Balik ko naman sa kaniya. Please lang, birthday ko ngayon pero hindi padin siya nagpapatalo.

Tumunog 'yung phone ko and feeling ko si Dave 'yon kay I opened it agad. Tama ako, may reply na siya. Bilis talaga ng kamay.

eliramos: Yes, kaka-alis ko lang sa bahay. See you there, babe. Happy birthday!

My gosh! Parang gusto ko kiligin ng sobra, kaso nandito si Sienna, baka tama nanaman ang hinala niya.

As fast as possible, I typed my reply. This will be fun, sana hindi mag-lasing si Ate Zianna para walang lumabas sa bibig niya na hindi niya naman dapat sabihin.

chinielim: stop, i'm kilig

eliramos: Cute

"Tangina sobrang hirap ng thesis namin."

Natigil ang focus ko sa conversation namin ni Dave nang magsalita si Sienna about sa studies niya. Meron ata silang thesis na in-under estimate niya dati na madali lang daw 'yon.

"Oh, akala ko ba madali lang? Ano ka ngayon?" Ang sarap asarin ni Sienna kapag alam niyang guilty siya sa nangyari.

"Gaga! Nagsisisi na ako!"

Doon mo makikita sa itsura niya na hirap na hirap na siya sa thesis, pero nakuha pang sumama sa La Union. Wow, galing naman.

"Bakit ka sumama dito? Dapat nagfocus ka nalang sa thesis mo." Sabi ko sa kaniya habang inaayos ang make up ko. Sanay na ako sa pagma-make up habang nasa car, ito na ata 'yung powers ko.

"Deserve ko 'to."

"What? Deserve? Girl, hindi ka pa tapos sa thesis mo, masydo kang excited." Humarap ako sa kaniya at pina-mukha sa kaniya na hindi pa siya tapos.

"Shut up."

After sometime, nakarating na kami sa resort na binook ni Ate Kim. Agad naman akong bumaba at dapat pupunta na sa loob, ngunit tinawag ako ni Ms. Thesis.

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now