KABANATA 1

83 6 3
                                    

Kabanata 1: Future Husband

"AYOKONG NANG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO SA PAMAMAHAY KO! LUMAYAS KA NA RITO!" sigaw ni Tita Mathilda.

Nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin, namumula na ang kanyang mukha at ang mga litid naman niya sa leeg ay halos pumutok na rin dahil sa pagsigaw at pagpipigil ng galit sakin.

Napakagat labi ako para pigilan ang matawa sa itsura niya. Sino bang hindi matatawa sa itsura niya, kung para siyang dragon na nagbalat tao ay hindi pala, para siyang taong nagbalat dragon.

Puno na nga ng tigyawat ang mukha niya, pulang pula pa, tapos parang may nakikita pa nga akong usok mula sa ulo niya eh, ano mang oras ay handang handa na talagang magbuga ng apoy.

Maganda sana siya kahit may mga tigyawat siya sa mukha, kaso ang sama naman ng ugali niya kaya ayan, mukha na tuloy siyang panget na dragon na mangkukulam.

Napailing ako at saka tinapik siya sa balikat. "Kalmahan mo lang, Tita Matz baka atakehin ka sa puso at sumunod kay papa sa kabilang buhay, pero sure din akong hindi kayo magkikita roon, don kasi sa mainit ang punta mo e'."

"WALANGHIYA KA TALAGANG BABAE KA! SABING LUMAYAS KA NA RITO!" sigaw niya ulit saka ako hinawakan sa braso para sana kaladkarin.

Hinawi ko lang ng malakas ang kamay niya at nginisihan siya. "Tita naman, ayaw mo naman pala akong makita sa PAMAMAHAY MO, edi pagawa ka muna ng SARILING bahay at doon ka tumira, kay PAPA naman itong BAHAY e'."

"AKO ANG LEGAL NA ASAWA NG PAPA MO KAYA PAMAMAHAY KO ITO, IKAW NAMAN AY ANAK NIYA LANG SA WALANGHIYANG KABET NIYA! AT NGAYONG WALA NA SIYA AY WALA KA NA RING KARAPATANG MANIRAHAN DITO! UMALIS KA NA BAGO PA AKO TUMAWAG NG GUARDIYA PARA KALADKARIN KA PALABAS NG BAHAY!" bumu-buga na talaga siya ng apoy ngayon.

"Tita, try mo kayang umakyat sa bundok at magsusumigaw, baka sakaling umabot rito ang sigaw mo, para ka kasing nakalunok ng higanteng speaker sa lakas ng boses mo." kalmado lang ang boses na sabi ko, pero siya ay halos atakehin na sa sobrang panggigigil.

Napangiti ako. Pikon talaga ang babaeng dragon slash mangkukulam na ito.

"VICTORIA LUNA!" sigaw niya at hinawakan ako ulit sa braso ng mahigpit.

Pilit kong ihawi ang kamay niya pero masyado atang mahigpit ang pagkahawak niya dahil di ko matanggal.

"TITA! LET ME GO!" sigaw ko at pilit kumawala sa kanya pero walang epekto.

"What happened here?" napalingon ako sa bagong dating na babae, it was Celine, my half-sister. "Mom, I can here your voice outside, and why are you holding ate's arms?"

"Your timing was perfect, baby. Help me kick out this bitch out of our house." utos ni Tita sa anak niya.

Si Celine naman ay gulong gulo lang habang nakatingin samin, tila hindi siya sangayon sa gusto ng ina.

"But-."

"No more buts, Celine and help me here or else I'll kick you out too!" sigaw niya sa anak mukhang natakot naman si Celine at sinunod ang gusto ng ina.

Napaismid nalang ang labi ko nang hinawakan na rin ako ni Celine. Malakas ko silang hinawi dalawa dahilan para tumalsik sila.

"No need, Tita. I can walk on my own." sabi ko saka naglakad palabas.

Nakita ko pa yong mga katulong namin na naawang nakatingin sakin, nginitian ko lang sila bago ako lumabas ng bahay.

Naabotan ko ang mga guard namin na nakatayo sa may gate na nakabukas na. Nakayuko silang lahat, alam ko namang wala rin silang magagawa kahit naawa sila sakin. Natatakot silang mawalan ng trabaho dahil may binubuhay din silang pamilya.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon