KABANATA 13

47 5 0
                                    

Kabanata 13: Cheat

SINO iyong tumawag sa kanya?

Paulit-ulit nalang na tinatanong ng utak ko ang bagay na iyon. Ilang oras na ang lumipas at mag-aala una na ng madaling araw pero si Aaron hindi parin bumabalik.

Mula noong sinagot niya ang 'importanteng' tawag ng kung sino ay hindi na siya bumalik pa.

At hindi ko alam kung babalik pa ba siya ngayong gabi o bukas na ba.

Si Serenity ay imbes doon sa kabilang kwarto ay dito siya natulog sa tabi ko. Samahan daw niya ako habang wala ang papa niya.

Nang tumunog ang alarm ng phone ko hudyat na ala una ng madaling araw ay napabuntong hininga ako ng malalim.

Bahala na nga lang siya. Kailangan ko ng matulog dahil masama pa naman sa buntis ang pagpupuyat ko ngayon.

Pinikit ko na ang mata ko. Hinihiling ko sa isip na sana paggising ko bukas ay nandito na siya.

Naalipungatan ako dahil sa ingay at likot ng katabi ko. "Mama! Mama! Seyin want play po!"

"Uhmm..." unti-unti kong minulat ang mata ko.

Bumungad sakin ang mukha ni Serenity na parang inip na inip. Nang makitang nakabukas na ang mata ko ay naupo siya ng maayos sa kama.

She crossed her arms and pout her little cute pinkish red lips. "Mama tagal wake up."

Bumangon ako saka nag-inat at humihikab. Medyo inaantok pa rin ako pero keri na.

"What time is it na ba, baby?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay tinuro niya ang wall clock. Napatingin ako roon at nanlaki ang mata ko ng makita kung anong oras na.

"Why you didn't wake me up early, baby? Kumain ka na ba? Umuwi na ba ang papa mo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Papa said not to wake up mama. Papa . Papa fed Seyin na. Papa hasn't come back yet." sunod-sunod naman na sagot niya.

Bigla akong nalungkot dahil sa huling sinabi niya.

Hindi pa pala bumabalik si Aaron. Wala na ba siyang planong bum—

Wait what?

My forehead creased when I realize what did Serenity just said. "What did you just said, baby? Papa fed you and he also said not to wake me up?"

Napatakip siya sa kanyang bibig saka napalingon sa kanan.

"H-ha? Seyin wants to play na!" sabi niya saka nagmamadaling bumaba sa kama.

Sumunod naman ako sa kanya saka pinigilan siya. "Baby, you know that lying is bad. Did papa came back here?"

Napakamot siya sa ilong niya at malikot ang mga matang tumitingin sa paligid.

"No po."

"Baby..." may pagbabanta sa boses ko.

"Yes po...No.. Seyin don't know..." nagsimulang nangigilid ang mga luha niya sa kanyang mata.

Napabuntong hininga nalang ako saka lumuhod sa harapan niya. I hugged her tight.

"It's okay, baby. Mama won't asked na. Shhh..." pagpapatahan ko sa kanya. Mahinang sumisinghot parin siya.

Kumalas ako sa pagkakayakap saka pinahiran ang basa niyang pisnge. "Shh na, baby. Laro nalang tayo sa labas. Want mo ba iyon?"

Biglang umaliwalas ang mukha niya saka mahinang tumango.

"Mama will eat first before we play and swim, okay?" sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya ulit sakin.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon