KABANATA 9

44 6 0
                                    

Kabanata 9: First Monthsary

Hindi magkadauga ang ulo at leeg ko kakahanap kay Mika. Nandito na ako sa airport para sunduin siya ngayong araw.

Marami na ring lumalabas na mga pasahero mula sa sinasakyan niyang eroplano kaso kahit anino niya ay di ko man lang maaninag.

Pinagloloko ba ako ng babaeng iyon ngayon?

Konte nalang kaming natira pero hindi ko parin nakikita si Mika. Napabuntong hininga nalang ako at akmang tatalikod na nang mabangga ako sa isang pader.

Pader?

Napaangat ako ng tingin at doon ko napagtantong hindi pala pader ang nabunggo ko. Isang lalaking kasing laki ng katawan ni Aaronat kasing tangkad din ata niya ito.

"Sorry, miss. I didn't see you there." sabi nong lalaki.

Nginitian ko lang siya saka bahagyang yumuko.

"S-sorry din po."

Ngumiti siya sakin kaya natigilan ako. Ang gwapo niya pero mas gwapo siya kapag ngumiti. Kasing gwapo niya si Aaron sa totoo lang. Tapos iyong blue pa niyang mata. Shocks! Gusto ko ring magkaroon ng ganon.

"TORIIII!!!" may narinig akong sumigaw mula sa likod ko kaya napalingon ako.

There. I saw my bestfriend walking like she owns the place. May tulak-tulak siyang cart na nilalagyan niya ng mga gamit niya.

Malapad din ang pagkakangiti niya habang nakatingin sakin. Napailing nalang ako. Hindi talaga nagbabago ang babaeng ito.

"I'm sorry again, Miss. And bye." paalam nong lalaking nabunggo ko kanina.

Bumaling ako sa kanya ulit kaso nagmamadali na siyang umalis.

Aw! Sayang naman at hindi ko naitanong kung anong name niya.

Napabuntong hininga nalang ako na sinusundan siya ng tingin paalis.

"Hoy! Sino yon?" napasigaw ako nang bigla akong ginulat ni Mika.

"Ano ka ba naman, Mika. Aatakehin ako sa puso sa'yo." reklamo ko. Nagpeace sign lang siya sakin.

"Sino nga iyon? Di hamak na mas gwapo siya kesa sa ex mong mukhang pwet ng kabayo ha. Blue eyes pa! Pak!  Ang ganda ng lahi niyo kapag nagkataon!" masiglang litanya niya.

Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ko nga nakuha ang pangalan eh."

"Ay nako, girl ang kupad mo naman. Dapat hiningi mo agad ang numero o kaya yong socmed niya." pailing-iling na sabi niya.

"Heh! Tumigil ka nga, Mika. Saka may asawa na ako ngayon 'no."

"Edi sana ginawa mo nalang for me, right?" sabi niya saka tumili pa. "Kyaaah! Ang gwapo niya talagaaa!"

Napaikot nalang ang mata ko dahil sa tinuturan niya. Kahit kailan talaga ang babaeng ito. Kapag nakakakita ng gwapo ay parang inaasinan ang pwet na hindi mapakali.

Napalingon ako sa paligid namin at nakita kong nagbubulongan ang mga tao na nakatingin samin.

Nginitian ko sila saka ako umiling. "Hindi ko po kasama ang babaeng ito. Hindi po talaga."

Sa tinutuloyang condo unit niya kami dumeretso. Sandali lang kami roon dahil nilagay niya lang ang mga gamit niya saka kami bumaba at umalis ulit.

Balak kasi naming pumunta kila Nanay Pasing. Iyong paborito kong karenderya.

Oo nga pala, I was supposed to bring Aaron here noong nagshopping kami kaso hindi lang matuloy. Maybe, sa susunod naming date ay dalhin ko siya rito.

I hope he'll like Nanay Pasing's cook.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon