KABANATA 11

43 4 0
                                    

Kabanata 11: Family Day

"Congratulations, Mr. and Mrs. Suarez, she's five weeks pregnant." sabi ng doctor na babae samin.

Humarap ang babaeng doctor sakin. "Iha, you should be extra careful on what you're doing, especially that you're on your first trimester of your pregnance." bilin no'ng doctor sakin.

Hinaplos ko ang tiyan ko saka ako pinong ngumiti.

'Aalagaan kita, baby. Hindi ako makakapayag na mawala ka sakin, iingatan ko ang sarili ko ng maayos para maingitan din kita. Lakasan mo lang ang kapit diyan 'ha. I love you, baby,'

"Mr. Suarez, you should also take a good care of your wife now that she's pregnant, don't let her stress out," bilin din ng doctor kay Aaron.

"I will, Doc," sagot ni Aaron saka ako inakbayan at hinalikan sa tuktok ng ulo ko, hinahaplos rin ng isang kamay niya ang tiyan ko.

Marami pang ibinilin ang doctor samin bago kami lumabas. Inaalalayan ako ni Aaron habang naglalakad, para rin siyang tanga na pinapahawi yong mga nakakasalubong naming mga tao.

"Move," malamig na utos niya sa mga ito na ikinangiwi ko.

Mukhang natakot naman yong mga nakakasalubong namin dahil humahawi talaga sila sa daan.

"Stop it, Aaron. Natatakot na 'yong mga tao sa'yo," reklamo ko sa kanya.

"I don't give a damned care if they're scare, Baby. I only care about you and our baby inside of your womb." malambing na sabi niya kaya napailing nalang ako.

"Can't wait to tell this to our daughter,  Hubby. Baby Serin will be happy hearing this news." masayang sabi ko sa kanya.

"She will, wife. Let's tell her about this later." sabi niya pa.

Nang makarating kami sa kotse ay siya yong nagbukas ng pinto at todo alalay nanaman siya sa pagpapaupo sakin roon siya na rin ang nagkabit ng seatbelt sakin. Napailing nalang ako at hinayaan na siya sa mga ginagawa niya.

Umikot na siya sa driver seat at saka pinaandar yong kotse.

"Uwi na tayo agad ha. I want to tell Baby Serin about this na." sabi ko sa kanya.

Si Mang Ramil na ang pinasundo namin kay Serenity dahil sa hospital kami dumeretso ni Aaron. Para daw mas lalong makumpirma namin ay nagpacheck up ako.

Kahit ayoko nga ay napilit niya parin ako. I really hate the smells of drugs. Ang pangit ng amoy pero tiniis ko kanina.

Natiis ko for my baby.

Tulad ng sabi ko kay Aaron ay umuwi kami. Pagkapasok palang namin sa pinto ng bahay ay sinalubong kami ng isang cute na cute na batang tumatakbo.

"MAMA!"

Yumakap siya sa binti ko kaya napayuko ako at kinarga siya. Pero agad naman siyang inagaw ni Aaron sakin.

"Mama can't carry Baby Serin, so papa will do it." sabi niya.

Nagugulohan namang tumingin si Serenity sa kanya.

"But why? Is Mama sick po?" tanong nito.

"Mama is carrying your baby brother kasi, baby." sagot naman ni Aaron.

Serenity's forehead creased. "But, I don't see my baby brother po."

"Because your baby brother is still on Mama's tummy, baby." paliwanag ni Aaron.

Nanlaki naman ang maliit na mata ni Serenity na napatingin sakin. "Mama, you eat my baby brother po?"

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Ang cute ng inosenteng anak ko.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon