KABANATA 2

60 5 4
                                    

Kabanata 2: Something he need

"Y-YOU'RE lying, papa won't do that to me. Hindi niya ako ibebenta...hindi..." nanginginig na sabi ko habang umiiling.

Hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi ako binenta ni papa.

Hindi ako binenta ng papa ko!

"But he already did, Luna. He did sold you,"

"Hindi..." mahinang sambit ko habang ang luha kong nagbabadya kanina ay tuloyan ng tumulo.

Hindi siya nagsalita bagkus ay may inabot siya sa dashboard. Isang brown envelope iyon saka inabot niya sakin.

"Read it," malamig ang boses na utos niya.

Nanginginig man ang mga kamay na tinanggap ko iyon at binuksan, pero halos mahulog ako sa kinauupuan nang mabasa konang nakasulat.

It's a contract agreement between him and my father. Kapalit ng isang milyon ay ang pagpapakasal ko kay Aaron.

So, isang milyon lang pala ang halaga ko para kay papa?

Napapikit ako at napayuko habang umiiyak. Ang sakit ng dibdib ko ngayon, parang dinurog durog ang puso ko.

I felt betrayed by the person I trusted the most. First, Clark and now Papa.

Bakit papa? Bakit mo ako binenta sa kanya?  Bakit mo ginawa sakin ito? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba ikaw lang ang kakampi ko? Pero bakit mo ako binenta? Bakit?

Hindi ba sapat na iniwan niya ako? Hindi ba sapat na pinabayaan niya ako ngayon? Talagang ibenenta niya ako? For what? For just a f-cking million pesos?! Ganon lang ba ang halaga ko?!

"Here." napaangat ang paningin ko kay Aaron, may inaabot naman siya sakin ngayon na isang papel.

Hindi pa pala tapos, may pahabol pa pala. Ano nanaman kayang sakit ang dulot ng papel na iyon sakin?

Tinanggap ko iyon saka tinignan, napakunot ang noo ko at ang luha ko ay bahagyang umurong nang mabasa iyon.

It is a cheque. Nakalagay ang name ko doon at ang halagang isang milyon. May pirma pa niya.

"What's this?" nagugulohang tanong ko sa kanya.

"A cheque." sarkastikong sagot niya.

"Alam ko. Pero para saan? Why are you giving me a million pesos?"

"Your dad asked me to give the money to you," simpleng sagot niya lang.

"So, ito ang pera kapalit ko?" tanong ko sa kanya tumango naman siya.

"Accept it, Luna. It's for you and your future."

"Future? What future? Being your wife?" I sarcastically asked.

"Yes," tipid na sagot niya lang.

"Pwes hindi ako papayag na ikasal sayo! Hindi ako papayag na bilhin mo!"

Pagkasabi ko 'non ay pinunit ko ang cheque. "At hindi ko matatanggap itong kontratang ito!" pinunit ko naman iyong agreement contract nila.

"That contract you ripped was not even the original copy." he said calmly while driving his car.

"Wala akong pake! Itigil mo na ang kotse at bababa na ako!" sigaw ko sa kanya.

Hindi niya ako pinakinggan at mas lalong pinaharurot lang ang kotse.

"I said stop the f-cking car, Aaron!" I shouted again.

"No," malamig na sabi niya.

"Tatalon ako rito!" banta ko sa kanya.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon