KABANATA 3

61 5 12
                                    

Kabanata 3: Heart

ALIGAGA akong pabalik balik ng lakad habang nag-iisip kung anong gagawin para makatakas. Ilang oras nalang at tuloyan na akong maikakasal kay Aaron, at ayoko. I don't want to get married to that devil.

'Kahit tutokan ka ulit ng baril sa ulo?'

Natigilan ako dahil doon. Paano nga kung tutokan niya ako ng baril sa ulo mamaya? At kapag umayaw ulit ako, baka kalabitin na niya ang gatilyo ng baril niya para patayin ako.

Pinagpawisan ako ng malapot dahil sa naisip, hindi imposibleng kaya niyang gawin iyon. Sinaktan na nga niya ako, ano pa kaya kung patayin ako, di'ba? Para sa kanya, madali lang ang kumitil ng buhay ng ibang tao.

Ganon siya kasama!

Napapikit ako ng mariin saka naupo sa kama, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Papayag nalang ba talaga akong magpakasal sa kanya?

"I need something from you, Luna. Just be my good wife until I get what I need. And I promise that I'll let you go and won't bother you ever again, just until I get what I need, Luna."

Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi niya kagabi. Papakawalan naman niya ako kapag nakuha na niya ang gusto niya at hinding hindi na niya ako gugulohin pa. Ayos na sana, kaso hindi ko alam kung anong kailangan niya at kung paano ko ibibigay iyon na sa lalong madaling panahon.

Or I can just give it to him now, so we don't have to get married.

Tama! Ibigay ko nalang sa kanya ang kailangan niya ngayon, hindi namin kailangan maikasal para lang doon.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya at para makapag-usap na rin. Pagkababa ko ay nakita ko ang isang katulong kaya ito ang tinawag ko.

"Miss," tawag ko rito at agad naman itong lumingon, nagsign ako na lumapit siya at agad naman niyang ginawa.

"A-ano po iyon, Ma'am?" magalang na tanong niya sakin.

"Nakita mo ba si Aaron?" I asked.

"Si Sir po? Mga ganitong oras po ay nasa study room siya, gusto mo pong tawagin ko?" magalang na sagot niya kaya umiling ako.

"No need. Puntahan ko nalang siya roon." sabi ko saka umakyat ulit sa ikalawang palapag ng bahay nang may nakalimotan ako.

Hindi ko nga pala alam kong nasaan ang study room!

Bababa na sana ako ulit para magtanong nang marinig ko ang pagbukas ng isang pinto malapit sakin. Lumingon ako roon at nakita ko si Aaron na lumabas roon. Parehas pa kaming nagkagulatan dalawa.

Ngayon ako nagkaroon ng tsansang pasadahan siya ng tingin. He's wearing a black t-shirt and a black cargo short, bahagya pang magulo ang itim niyang buhok. I already know he's handsome pero hindi ko alam na ganito pala siya kagwapo.

I didn't get a chance to look at him or think about how handsome he is yesterday and the night before yesterday. Masyado akong okyupado ng mga oras na iyon at mas nangingibabaw ang takot at inis ko sa kanya para isipin pa ang bagay na iyon.

Damn! Kung ganito naman pala talaga siya kagwapo, willing naman akong maging masokista na asawa niya. Biro lang naman, syempre pinapahalagahan ko parin ang buhay ko.

"I was about to go to your room to call you, Luna." malumanay nanaman ang kanyang boses.

Naglakad siya palapit sakin dahilan para mapaatras ako pero ang tanga ko sa bagay na iyon, nasa tuktok pala ako ng hagdan at dahil sa ginawa ko ay nawalan ako nawalan ako ng balanse. Pagtapak ko kasi sa likod ay mababa na pala.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon