KABANATA 15

73 5 0
                                    

⚠Warning: contains death and gun.⚠

Kabanata 15: The Accident

Kanina pa nakaalis si Celine pero hito lang ako. Nakatulala at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko mula saking mga mata.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko rin ba iyong sinabi niya...o iyong sinabi nong Lucius...

Lucius?

Saan ko nga ulit narinig ang pangalang iyon?

"I'm Lucius," pakilala niya sabay lahad ng kamay.

Bumalik sa ala-ala ko ang mukha ng lalaking lumapit sakin sa jollibee noon. Iyong lalaking nakakatakot na parang hindi gagawa ng maganda.

"F-ck you! Don't you dare ruin my plan, Lucius." galit na sigaw ni Aaron. "Of course I don't forget about your sister—Damn it! I know that she needs the heart now, but V—"

Siya rin ba iyong nakausap ni Aaron sa phone noon?

Ano iyong plano? 'Yong heart? Kailangan ng puso no'ng kapatid ni Lucius.

"I already found you a donor, baby. Let's just wait until two months."

"Your donor was also pregnant, baby. So we have to wait until she get birth."

Bumalik naman sakin ang nangyari roon sa hospital. Iyong sinabi niya sa babae niya.

Ako ba ang tinutukoy niyang heart donor? Ako ba?

Parang ngayon ko lang napagtampi tampi ang lahat. Parang ngayong ko lang napagtanto na ang ibig niyang sabihin sa "I want your heart" ay literal na puso ko pala ang kailangan niya. Ang gusto niyang makuha.

Anong tiningin niya sakin? Isang baboy na kakatayin nalang para mapagkakinabangan niya?

Pero bakit niya ba ako pinakasalan? Binuntis? Pinahulog tapos sa huli ay literal na puso ko iyong kukunin niya mula sa katawan ko. Ipapaslak niya sa ibang tao, sa taong mahal niya...

Wala lang ba talaga sa kanya ang pinagdaanan namin? Wala lang ba sa kanya ang mga masasayang pinagsaluhan namin?

May kinalaman din ba siya sa pagkamatay ni papa?

Ang daming katanongan sa isip ko na hindi ko mabigyan ng kasagotan.

Kailangan kong makausap siya. Kailangan kong malaman ang lahat mula sa bibig niya. Dahil kung may nakakaalam lang ng lahat, siya lang iyon at wala ng iba.

Pinunasan ko ang basang pisnge gamit ang likod ng palad ko. Kahit hirap man ay nagawa kong tumayo. Hindi na ako nagbihis pa na agad lumabas ng condo ni Hance.

Kahit nakasuot lang ako ng malaking duster at nakatsinelas na pangbahay lang ay wala akong pakealam.

I need to talk to Aaron.

Pagkalabas ko ng condominium ay agad akong pumara ng taxi. May taxi naman agad na pumara kaya sumakay ako roon. Ibinigay ko ang address ni Aaron sa kanya at nagsimula na siyang magdrive.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Aaminin ko, kinakabahan ako ngayon sa maaring isasagot ni Aaron.

Pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Kailangan ko siyang komprontahin ngayon.

"Ma'am, nandito na po tayo." untag ni manong driver sakin.

Napatingin ako sa labas at nandito na nga ako sa harap ng gate ng bahay ni Aaron. Binayaran ko lang si Manong saka na ako bumaba ng kotse.

Hirap na hirap ako sa paglalakad dahil nga malaki na ang tiyan ko, pero nagawa ko pa ring makarating hanggang sa may gate.

Agad na sumalubong sakin ang dalawang guard. Noong una ay halatang mga takot at kinakabahan sila pero nang makita ako at mapagsino ay para silang mga nabubunotan ng tinik sa dibdib.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon