11

0 0 0
                                    

Nilutong Tutong

Binukasan ko itong kaldero,
Pinatunog at sinunog, sinunog at pinatubog,
Muli kong sinilip,
Kitang-kita ko kung gaano kasakit iyang naranasan mo...

Madilim at nakaabang na animo'y nanghihingalo,
Binuksan ko naman upang makahinga ka,
Nanikip itong dibdib,
Tanaw kita d'yan sa liblib...

Aking ititigil itong habi ng dibdib,
Wala ka ba sa'king bilib,
Tinulungan kitang makaahon mula sa malalim na talunton hanggang sa ating pagbangon, sa iyong muling pagbangon,
Nagpakulong sa dulo...

Nagpulong-pulong tayo,
sama-samang ikinandado ang sarado nating puso,
Binuksan ko ito,
Gaya nang mga pahinang humihinang.

Dalawang pusong kumikinang,
Dalawang taong nagmamahalan at nagturingan,
Na ang lungkot pala,
Kung iniligtas ka ng maling tao mula sa dulo ng hangganan.

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now