14

0 0 0
                                    


Litid

Hanggang kailan ko ba ihihiyaw lahat ng pintig?
Nahimigan ko ang lunod sa'king tinig,
Hinawakan ang bibig, pinigilang kurutin at hamakin yaong sakit dulot nitong pagpapasakit,
Katawan ko'y iginapos sa may pader, kung saan maka-ilang beses mo akong ginalaw.

Idinikit ko sa dingding, iyong bigat ng ulo,
Iniumpog ko ito ng paulit-ulit, nang matauhan,
Nang matauhan...at muling lumaban at problema'y takasan,
Hingal na hingal akong pulutin itong sandamak-mak ba gintong butil na aking pinapasan sa'king balikat.

Hanggang sa ito'y bumakat at umukit muli ng panibagong hapdi na dulo nitong malagim na pananaw,
Nahimigan uli ang tono ng nasirang piyano,
Na parang bumabalik at pumipitik bg kalituhan sa isipan,
Hanggang kailan ko ba ihihiyaw ang pintig?

Ngunit nananatiling kandado at sarado,
Ngunit pinilit tumungo sa pader,

Kung saan ako'y nakapikit...

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now