28

0 0 0
                                    

PUSONG WASAK

Gumuhit yaong talim pababa sa nanghihingatong damdamin,
Habang nililito ang sarili sa mabilis na pangyayari,
Hindi naman inaasahang mailambat ang aking panghuli,
Palapit na pala ako sa kalagitnaan ng laot.

Ngunit ramdam ko pa rin ang sampal nitong kapalaran,
Maging salpok ng nangamatay na hangin.

Nakatapak sa laya, nitong barkong walang direksyon at sa matataas na along umaalulong,
Natatanaw mo ba iyon?
Doon kita abot-tanaw sinundan ng paningin.

Pinuna nga ba?

Iyong magalaw na bangko dulot ng pagtayo ko rito,
Upang malaman kung saang gawi ka pupunta, hanggang nahulog na sa 'sa'yo tsaka sa bangka niya,

Naglaho ka at nandito na,
Akalang malamig na hangin lang ang sasalo o kaya'y tubig,
Iyon pala ay ang bangkerong nakalulan sa bangka niya,
Bahagyang nadismaya bakit hindi na lang sya ?

Lumubog na pala ang sinasakyan 'di namalayan
Inalalayan niya ako habang palubog ang araw gayon na rin ang paglubog ng sinasakyan,

Masyadong malalim, komplikado kong maituturing...

Dalawa lang pala ang maaaring sumakay, Masyadong malalim ang araw na kasama kita, ang alon din,

Bumunghalit na nang iyak ang kalangitan,
Iniwan mo ko sa kawalan...

Sumunod na rin ang iyong ama-amahan, Ako na lamang ang natira dito,
Solong lalakbayin kahit hindi sigurado kung saan ba ito.

Sana tumulad na rin pala ako sa'yo, Subalit sa tuwing pagmamasdan ang liwanag sa itaas nada naaninag kita. Nasa dulo na ko ng parang,
mistulang kapalit nito ay saklap ng hangganan

Kung hindi na lang lumusong,
Naaalala lagi... diyan,
Kung saan nagmula,
kita-kita na lang.

Kung paanong nagtagpo ang binibig na prosa't talata, kung paanong naging wakas ang nakaraang simula, sa susunod na buwan o pagsapit nang walo-walong buwan.

🖤: ♡♡~~say says,
@jas

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now