31

0 0 0
                                    


DAPIT-HAPON

Sakalin mo yaong lubid na kinakapitan mo,
Higpitan mo ang iyong kapit...
Baka mahulog ka, baka mabigla ka sa masangsang na agos ng malpaminsalang amoy galing sa ibaba,
Kung saan nagmula,
Kung saan nagsimula ang lahat.

Kung saan ang noong dapit-hapo ay nabuhayan ng panibagong pagkakataon,
Huwag kang tumalon...
Bagkus ikaw ay umahon sa madilim na kahapon,
Papalapit ka na sa dulo ng lubid...

Ito nga ba ay nakapulupot sa kakahuyan,
Naglakbay na animoy walang sisidlan.

Lumakad ka kaibigan...kaladkarin mo ang iyong paa hanggang sa mapagod ka na...

Tumigil ka saglit at yapusin mo ang ulap,
Kung saan babagsak ang sarili mong luha,
Tikman mo, lasahan at pagkatapos tsaka punasan,
Dahan-dahan lang, baka tuluyang mawasak lahat ng iyong tinatahak.

🖤: ♡♡~~say says,
@jas

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now