51

0 0 0
                                    


ITIM NA ROSAS

Muli ko itong nahawakan noong ako'y dalagang;
Walang isinaisip kung hindi Siya lamang,

Disiotso po ako noon kung saan buhay ko'y lubos na may saysay...

Tunay nga na busilak at may mapang-akit ito na halimuyak,
Ngunit tila nga ba'y ito'y payak,

Puro at walang kasing ganda...

Hanggang sa ito'y napaglipasan,
Nawalan na nang kulay ang bawat pagmamahal na katumbas nitong nakaukit sa dahon...ang katagang may hangganan tayo...

Ihip ng alikabok na angbalik ng alaalang kay hirap lisanin...

Kay tagal ko rin naghintay sa pagkakataong magtatagpo muli ang ating landas,
Bagaman napagod na ang tikatik ng inakalang tiyempo ng oras, umikot ito, hindi ito huminto sa kakaisip,

Sa'yo...

Ngayong susunugin na, at hahayaang ganitong, walang kasing pait,

Ganitong-ganito pala ng iwanan kita, nang itim na rosas...

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now