12

0 0 0
                                    


"ABAbantayan kita!"

Sakal ng pinagtagpi-tagping sinturon, kadena, sabit-sabit na retaso at bakal,
Nasakmal ang aking puso nang makitang siya'y nakahilata,
Nanghihina, nagwawala at mata mong mukhang nagmamakaawa,
Yaong mga raw, buntot niya'y maliksi ang ikot, kumakawag-kawag at tumatawag ng atensyon.

Sa'king paglapit lahat ng sakit sa damdamin ay naghilom,
Kasa-kasama siya sa tuwina noong oanahong lisanin kami ng aking ama,
Pinaka-paborito siya sa lahat,
tunay ko siyang mahal sapagkat siyang idolo, matalino at daig pa ng kasintahan kong malambing,
Yayapos, naglilikot sa kagat-kagat niyang laso at hahalik.

Para siyang anghel sa langit na nag-alis lahat ng galit sa'ming magkakapatid,
Muntik nang mabuo ang masayang larawan,
Ngunit hindi na nang siya'y mamaalam,
Umagos ang luha sa kinatatayuan.

"...Ako naman ang magbabantay sa'yo."

Buhat-buhat ang abo mo,
Bantay, mananatili ka dito, sa puso ko,
Pabayaan mo na 'kong itali ang paborito mong laso,
Sa muli at huling pagkakataon.

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now