32

0 0 0
                                    


URONG-SULONG

Atras, abante, sige't gumalaw ka sa kung ano ang nais,
Bumalik ka sa iyong puwesto, balikan mo ang nakaraan mo,

Tsaka pumosisyon muli.... tsaka ihakbang ang namimintig na paa

Hanggang sa matutuhang kahit ito'y nakaposas, iyang paang duguan,
Kahit na wala kang pamunas sa mga rumaragasang butil mula sa nanginiginig mong mata,
Kahit nawalan na ng pag-asa sa bawat metaporang ibinibigkis at ikinikiskis sa masalimuot na guhit ng palad,

Tiyak nga ba na sasampalin ka ng mapang-hamong ragasa ng panahon...

O katiyakang nauubusan na nang pagkakataon upang sa buhay ay makaahon at makabangon

Ipagaspas mo iyang pakpak...

Sabayan na rin ang ilang humihiyaw at pumapalakpak,
Masyadong giniginaw itong malupit na sistema,

Masyadong nauubusan na ng likido itong pluma...

Humanda na't hawakan ang likuran...

Tumahan at tantanan iyang kamalasan, Sige lang, dahan-dahan lang sige katoto, kaya mo iyan.

Isa lamang itong delubyo kung maituturing wala ng maihihiling, kung hindi sa susunod na taon,

Lahat ng nakatipon ay hindi na muling hihiling...

💛: ♡♡~~say says,
@jas

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now