13

0 0 0
                                    


Sipol (kakat'wang romantisismo),

Pito  hawak ko ito,
Pitongput-puting rosaryo,
bitbit at isinabit pababa sa ulo,
Pitong araw rin akong nag-asam sa mapupungay mong mata.

Hinintay kita habang pisil-pisil itong pito,
Hinalay ka sa lugar kung saan naanino ko iyang makakapal mong latay,
Baliw ako...
Baliw na baliw sa'yo.

Umaalulong ang tukso nitong panahon,
Hinihila kita,
Pasan ka ng aking kakilala,
Inakalang tapos na itong pinipinta,
Itong sipol ng tadhana.

"Kupido ako'y iyong pinana..."

Pito, hawak ko ito,
Sa lahat ng binibini,
tanging ikaw ang paborito,
Subalit, pinagpalit,

Itinaas ko and damit mo,
Bumwelo ka sa mismong dulo ng iyang kanto,
Pasensya't napatay ka ng kakaibang hiwaga,
Sapagkat halos walong oras na kong may hawak-nitong-pito.

Love Poetry Collections (SEASON 2)Where stories live. Discover now