Part 7

1.8K 86 6
                                    

Jessica:

tama yung nasa isip ko nung una ko siyang makita, kaya pala parang pamilyar siya sa akin dahil sa nakita kong balita tungkol sakanya..

bakit binalitang patay kana?hindi ka manlang hinanap?..tanong ko sakanya, kaya biglang kumunot yung uo niya..

what?patay?..gulat na tanong niya saka napatayo sa upuan, nagulat pa kame nila papa sa reaction niya

uo, nung araw na nakita ka nila papa yun yung araw na binalitang patay kana, yun yung sabi ng pinsan mo sa interview..seryosong sabi ko kaya kumunot lalo yung nuo niya, pati kilay salubong na.

kasama pa nga yung fiancee mo..dagdag ko pa kaya mas lalo lang sumama yung mukha niya, ano ba talagang nangyari sa taong to, kilala siyang tao pero ganon lang kadali para sa pamilya niya na ibalitang patay na siya.

anong sabi sa balita..seryosong tanong niya..

ayun sinabing naaksidente yung private plane na gamit mo..pinaalam nila sa lahat na patay kana nga..sagot ko, kitang kita ko kung paano kumuyong yung kamao niya..

ano ba talagang nangyari sayo..si papa kaya naupo ulit si deanna at napahilamos sa mukha niya..

sigurado po ako may gustong magpapatay sa akin, o may gustong pumatay sa akin..seryosong sagot niya napabuntong hininga naman si papa..

sino yung nagpainterview at sinabing patay kana?..tanong ni mama kaya napatingin naman siya kay mama..

my cousin po..angelica salvador and my fiancee carly hernandez..seryosong sagot niya, kumunot naman yung nuo ni papa, siguro nagtaka siya na babae yung fiance ni deanna, tama nga yung nakita at hinala ko, isa siyang intersex..

lalaki talaga siya pa/ma pero babae yung panlabas na anyo niya..ako na yung sumagot dahil parang hindi alam ni deanna pano niya ipapaliwanag..tumango naman si mama at papa kaya nakahinga ng maluwag si deanna..

anong plano mo ngayon deanna?..tanong ni papa napahilamos naman sa mukha si deanna..

sir pwede po bang mag stay parin ako dito?..seryosong tanong niya,, teka bakit kailangan pa niyang magtagal dito?diba dapat bumalik na siya sakanila para ipaalam na buhay siya..

uo naman walang problema sa amin..mabilis na sagot ni papa, kaya napangiti siya..

pero hindi kana matutulog sa kwarto ng anak ko ha, ngayong alam kong half half ka hindi kana pwedeng tumabi sa anak ko..pahabol na sabi ni papa kaya napakamot ng ulo si deanna, gusto ko namang matawa sa sinabi ni papa na half half...

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now