Part 27

1.8K 81 21
                                    

Jessica:

pero hindi ganon kadali yun ella..seryosong sabi ko kay ella, nag uusap parin kaming dalawa..

uo alam ko hindi magiging madali, pero hindi ka nag iisa jessica kasama mo ako..sagot niya kaya napahinga ako ng malalim, tama bang sumama ako sakanya at lumayo sa lahat?.

hayaan mo muna akong mag isip ella, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano sasabihin sa magulang ko na hindi pa alam ni deanna yung kalagayan ko, umaasa silang babalik si deanna..paliwanag ko saka inalis yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

sige hahayaan kita mag isip, pero kung sasama ka sa akin hihintayin kita sa daungan mamayang gabi...huling salitang sinabi niya bago lumabas ng classroom ko, napahilot nalang ako sa sintido ko dahil sa mga nangyayari, sumasakit ang ulo ko kung paano aayusin ang buhay ko..

hindi ko alam kung paano ko nairaos itong buong araw na pagtuturo ko, hindi ko alam kung may naintindihan ba ang mga estudyante ko, alam kong maling dalhin ko dito ang personal kong problema pero hindi ko maiwasang mag isip sa kalagayan ko.

nasaan kanaba deanna? babalik kapaba?

jessica hatid na kita?..si ella paglabas ko ng classroom kaya tumango nalang ako, parang wala akong lakas magsalita. Pakiramdam ko pagod na pagod..

nauna na pala sila maam ced,jho at kyla may pupuntahan yata silang estudyante na hindi na pumapasok..kwento niya habang naglalakad kame pauwi, nakikinig lang naman ako sakanya..

sana may magandang balita sila maam den at tots pagbalik nila noh..daldal parin niya, nasa bayan kasi sila maam den at tots nilalakad yung mga ibang kailangan namin dito sa school pati narin yung request namin na makapag patayo pa ng kahit isang classroom..

mare totoo ba yung balita na buntis daw si maam jessica?..malayo palang kame rinig ko na yung mga bulungan ng mga nanay na nakatambay sa may tindahan na dadaanan namin,ito yung kinatatakutan ko..

yun ang balita, ang sabi pa nga mayaman yung nakabuntis sakanya..sabi nung isa sakanila, hindi ko alam kung dadaan paba ako sa tapat nila o hindi, nakatalikod kasi sila kaya hindi nila kame napapansin..

mayaman? eh nasaan?diba yun yung niligtas nila mang jessie..gusto kong umiyak sa mga naririnig ko..eto yung ayaw kong mangyari, yung pag usapan ako at ang mga magulang ko..

ha yun ba? kung hindi ako nagkakamali yun yung pinakita sa akin ng anak ko na ikakasal na, nakita niya sa social media...napapikit nalang ako sa narinig ko, kahit yata napakaliit nitong isla hindi maiiwasan yung mga ganitong tao..

maam jessica..sigaw sa akin ni ella nung tumakbo ako para lang mabilis makalampas sa mga nanay na nagbubulungan sa may tindahan, alam kong huminto si ella sa tapat nila pero wala akong lakas ng loob lumingon, nagulat nalang ako nung may humawak sa braso ko nung huminto ako sa pagtagpo..

bakit ka tumatakbo? hindi mo ba alam na makakasama yan kay baby..seryosong sabi niya kaya napalunok ako, hindi ako makapagsalita dahil hinihingal pa ako..

anong bang gusto nyang gawin ko?pakinggan yung mga bulungan ng tao  sa paligid ko

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now