Part 41

1.7K 84 3
                                    

Jessica:

akala ko naman totoo lahat yung nangyari, panaginip lang pala, aaminin ko natakot din ako sa nangyari dahil nuon ko lang nakitang ganun si deanna, yung makikita mo sa mukha niya yung galit..

mmmyyy gggooossshh mars ikaw  ba talaga? ..si ced nung makita ako palabas ng bahay, ito yung araw na pinakahihintay ko, yung araw na magkakaroon ako nang sarili kong pamilya, akala ko nuon hindi to mangyayari dahil sa estando nang buhay ni deanna, hindi ko inaasahan na tatalikuran niya yung mga bagay na nakasanayan niya para sa amin ng magiging anak niya.

hoy mars iba ka talaga, kaya hindi kana pinakawalan ni deans eh..si jho pero inikutan ko lang siya ng mata, ano bang bago sa akin? e ako parin to, nakasuot lang ng bridal gown.

grabe best ha, partida buntis kapa nyan, isa kang buntis na dyosa..si kyla kaya nahampas ko siya sa braso, pero ang gaga tinawanan lang ako.

im happy for you..si ella kaya ngumiti ako, nagtinginan naman tong mga bruha naming co teacher, alam naman kasi nila kung anong nararamdaman sakin ni ella.

eeehheemm masaya kaba talaga?..singit ng kung sino kaya napalingon kami, si maam den pala, napayuko naman si ella kaya napabuntong hininga ako..

no worries in time magiging ok ka din..sabay tapik niya sa balikat ni ella kaya napangiti naman yung isa..

hoy tama yang drama baka mainip yung groom mo dun mars bahala ka ikaw din..si jho kaya sinamaan ko siya ng tingin..

subukan niyang mainip..mataray na sabi ko kaya nagtawanan silang lahat. alam ko namang hindi maiinip si deanna na hintayin ako, kami ng anak niya..

nauna na si mama at papa sa tabing dagat dun kasi gaganapin yung kasal at dun na din ang salo salo, syempre gaya ng sabi ko kay deanna gusto ko simpleng kasal lang pero sa tingin ko hindi to matatawag na simple sa dami ng pinahanda nyang pagkain parang kahit hanggang bukas kami magsalo salo dito..

best grabe ha yung totoo simple naba para sa mapapangasawa mo to?..si kyla habang naglalakad kami palapit sa lugar kung san kami ikakasal, gusto pa nga ni deanna gumamit pa ng sasakyan pagpunta ko sa tabing dagat pero wala syang nagawa nung ako mismo yung tumutol, mas gusto kung maglakad..

kaya nga mars grabe ha simpleng bongga..si ced kaya napangiti nalang ako, ano pang magagawa ko ganyan yung simple sa paningin ni deanna..

tamang tama palubog na yung araw je, grabe talagang pinaghandaan ni deans tong kasal niyo..si maam den habang nakatingn sa lugar, hindi ko nga alam kung nasa tabing dagat pa nga ba kami o nasa palasyo na charott.

hay sana all nalang..si jho kaya natawa kami..

habang papalapit kami sa lugar hindi ko naman maipaliwanag yung nararamdaman ko, halo halong emosyon, pero isa lang ang alam ko, umpisa pa lang to sa bagong buhay na papasukin ko.

lumapit na sa akin si mama at papa, nauna nang naglakad sa loob yung mga kaibigan ko..

habang naglalakad kami palapit sa taong naghihintay sa akin, napangiti naman ako,para syang batang umiiyak haha,,crying baby..

sana pagkatapos ng kasal na to maging maayos ang pagsasama naming dalawa..

Paninindigan Kitaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن