Part 25

1.7K 66 18
                                    

Jessica:

bakit hindi mo nalang sabihin yung totoo kila tito at tita mars..si jho habang kumakain kame dito sa canteen nang school, sinabi ko na sakanila yung totoo na hindi pa kame nakakapag usap ni deanna at wala siyang alam tungkol sa kalagayan ko..

bruha ka jho parang hindi mo naman kilala si tito jessie, sa tingin mo ba papayag yun na ganun ganun nalang..si kyla kaya napabuntong hininga ako, tama naman siya dahil alam kong kayang gawin ni papa yung sinabi niya napupuntahan niya si deanna kung hindi pupunta dito..

eh kesa naman umaasa sila sa wala diba? hindi naman natin alam kung babalik pa si deanna o hindi na..pagtataray ni kyla kaya napatingin silang lahat sa akin, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko aaminin sa magulang ko na hindi ako sigurado kong paninindigan ba ako ni deanna..

bhest ano ba talagang plano mo?.seryosong tanong ni kyla kaya napahinga ako ng malalim..

hindi ko alam, ewan ko..sagot ko kaya nailing silang lahat..ano nga bang dapat kung gawin?

bakit hindi mo puntahan mars..si jho pero mabilis akong umiling, yung ang hinding hindi ko gagawin..

no! ayaw ko, ayaw kong ipamukha sakanya na naghahabol ako, kung hindi siya babalik dito hindi ako ang mawawalan kundi siya, nasa akin ang anak niya at hindi ko na problema yung kung ayaw niya kaming balikan..seryosong sabi ko kaya hindi sila nakaimik..hinding hindi ako pupunta sakanya para lang mag makaawa,

hindi ko na iniisip pa kung pananagutan niya ako o hindi, mas iniisip ko yung magiging reaksyon nila mama at papa..paliwanag ko kaya tumango sila..

bahala na basta nasa akin ang anak ko..dagdag ko pa bago tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng canteen.

pagbalik ko ng classroom ko wala pang mga estudyante sabagay maaga pa naman para mag start ang klase, napatingin naman ako sa pinto nung may kumatok, si ella

si maam may kailangan kaba?seryosong tanong ko, pumasok naman siya para makalapit sa akin.

seryoso ako sa sinabi ko sayo kahapon, lumayo tayo dito, sasamahan kita kahit saan..seryosong sabi niya kaya kumunot yung nuo ko.

jessica gusto kita matagal na, i mean mahal kita, kaya lahat handa kong gawin para sayo, sumama kana sa akin, lumayo tayo dito..seryosong sabi niya at hinawakan yung kamay ko,ano bang sinasabi niya..

alam kong mahirap paniwalaan,pero alam ko ding open ka sa ganitong relasyon, sumama ka lang sa akin pangako magiging masaya tayo, ikaw ako at ang magiging anak mo..saka siya lumuhod sa harap ko kaya mabilis ko siyang pinatayo,

ano bang ginagawa mo ella?. seryosong tanong ko nung nakatayo na kaming pareho..

hindi mo ba ako narinig? mahal kita at gagawin ko lahat para sayo..mahinahong sabi niya kaya napabuntong hininga ako,

ito naba yung sagot sa lahat ng tanong ko? ito na ba yung solusyon sa lahat ng iniisip?

pinapangako ko sayo magiging masaya tayo, malayo sa lahat ng pwedeng makasakit sayo..dagdag pa niya habang hawak yung kamay ko..

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now