Part 45

2.1K 101 10
                                    

Jessica:

aalis ka?seryosong tanong ko kay deanna, isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng kasal..

ha?..gulat na tanong niya pero tinalikuran ko lang siya at naglakad papuntang kusina, naramdaman ko naman yung paglakad niya sumunod sa akin.

hindi ko kasi sinasadyang marinig yung pag uusap nila ni ate bie at jaycel..

bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin to?..rinig kong tanong ni deanna kay ate bie, dadalhan ko sana sila ng meryenda sa labas pero hindi na ako tumuloy dahil sa narinig ko, mukha kasing seryoso yung usapan nila..

ayaw namin masira yung mahalagang araw sa buhay mo deans..sagot ni jaycel pero mabilis umiling si deanna.

but i deserved to know it, hindi niyo alam yung takot ko nung araw nang kasal ko dahil nakita ko siya..si deanna kaya kumunot yung nuo ko, sinong siya? kaya ba iba rin yung pakiramdam ko nang araw na yun? kaya ba pakiramdam ko parang may nakamasid sa akin?..

kaya nga namin sinasabi sayo ngayon deans, hindi namin sinabi nung araw na dumating kami dito dahil alam naming hindi ka papayag na walang gagawin..paliwanag ni ate bie, kitang kita ko kung paano kumuyong yung kamao ni deanna, hindi ko alam kung tungkol saan ba yung pinag uusapan nila, isa lang ang sigurado ko personal kay deanna yun dahil kita ko yung sa reaction at kilos niya, galit siya.

they have to pay for everything they did..galit na sabi ni deanna, tinapik naman ni ate bie yung balikat niya..

kami nang bahala deans..seryosong sabi ni ate  bie pero tiningnan siya ni deanna ng seryoso..

sasama ako sa inyo..sagot niya, pagkarinig ko nung tumalikod na ako, akala ko ba hindi siya aalis? akala ko ba hindi niya kami iiwan?..

bb..tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at naupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa, nakatingin lang siya sa akin..

ipaliwanag mo kung bakit kailangan mong umalis..seryosong sabi ko dahil walang umiimik sa aming dalawa, nakatingin lang siya sa akin, nag iisap yata kung paano niya sasabihin yung dahilan bakit kailangan niya kaming iwan..

bb kailangan kong harapin si carly, kailangan niyang pagbayaran lahat ng ginawa niya sa mga magulang ko,sa amin ni ate bie, all these years niloko niya ako, siya at ang pinsan ko, yung nangyari sa akin kaya ako napadpad dito hindi aksidente yun dahil sila ang may plano, pati narin yung aksidente ni ate bie, lahat yung plano nila para makuha ang lahat sa amin, lahat ng pinaghirapan ng mga magulang namin..seryosong paliwanag niya, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang yung reaction at  galit niya..

kailan ka aalis..seryosong tanong ko, kailangan ko siyang suportahan at intindihin, alam ko naman kung anong nangyari sa mga magulang niya at hindi ipagkakait sakanya yung pagkakataon na bigyan sila ng hustisya..

as soon as possible bb..tomorrow or the day after tomorrow..mabilis na sagot niya kaya tumango ako,

sige na gawin muna yung dapat mong gawin para makabalik ka agad sa amin..napangiti naman siya sa narinig niyang sinabi ko at mabilis lumapit sa akin para yakapin ako..

thank u bb..malambing na sabi niya habang yakap..akala ko yakap lang pero hindi dahil hinahalikan na niya ako..

deanna anong ginagawa mo..tanong ko nung maramdamang naglilikot yung kamay niya, kung saan saan humahawak..

bb sabi mo gawin ko na yung dapat kung gawin diba..bulong niya sa tenga ko kaya nagtayuan lahat ng balahibo ko, sira ulo talaga to iba na naman yung nasa isip niya..

deanna..seryosong sabi ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya..

baon lang bb sa ilang araw akong mawawala..ngising sabi niya kaya mabilis ko siyang nabatukan, baliw talaga to..

o ayan batok yang baunin mo..pagtataray ko kaya napakamot siya ng ulo..

wala kang babaunin para bilisan mong umuwi..huling sinabi ko saka siya tinalikuran, natawa ako paglampas ko sakanya dahil para siyang batang napagalitan..hahaha..bahala ka dyan wong umuwi ka agad para makuha mo yung gusto mo 


Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now