Part 17

2.2K 83 21
                                    

Jessica:

mars ok kanaba?. nag aalalang tanong ng mga co teachers ko, ano bang nangyari?.

mars may sakit ka bang hindi namin alam?..tanong ni jho kaya mabilis akong umiling, wala akong sakit, isang dahilan lang ang naiisip ko kung bakit ako ganito at kailangan kong makasigurado..

siguro mas mabuti nang magpa check up ka jessica, pwede kitang samahan sa bayan..si ella na kanina pa pala nakatingin sa akin.

ok lang ako ano ba kayo, sa puyat lang siguro kaya ako nahilo..mabilis na sagot ko saka bumangon sa pagkakahiga, nandito kame sa clinic ng school.

sigurado ka mars ha..sabay na sabi ni jho at ced kaya tumango ako at ngumiti..

sa totoo lang hindi ko alam kung ok nga ba talaga ako, natatakot ako sa magiging resulta kung tama nga ba yung iniisip kung dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito..

uo naman ok lang ako, salamat mga mars..nakangiting sabi ko saka tumayo para ipakita sakanilang ayos ako, buti nalang hindi na ako nahihilo at ayos na ang pakiramdam ko..

back to work na tayo mga mars..natatawang sabi ko kaya natawa din sila, kahit maraming gumugulo sa isip ko kailangan ko munang isantabi dahil sa trabaho ko.

maam ok ka lang ba talaga?..si ella na nasa likod ko pala, nauna na kasing umalis si ced at jho.

yes maam ayos lang ako. Salamat..seryosong sabi ko kaya napahinga siya ng malalim..

buti nalang malapit na yung classroom ko kaya hindi na siya nakapangulit pa..Pag pasok ko sa loob ng classroom busy naman ang mga estudyante ko sa pagsusulat.

maam kelan po babalik si boss d?.tanong ng isang estudyante ko kaya napahinga ako ng malalim, napaisip sa tanong niya kung kailan nga ba siya babalik? o kung babalik pa nga ba siya..

maam diba babalik pa si boss d dito?..tanong parin ng isa sa estudyante ko. ano bang isasagot ko sa inyo?. hindi ko alam kung kailan siya babalik.

hintayin nalang natin kung kailan siya babalik ha..seryosong sagot ko saka naupo sa upuan na nasa harap nila, hindi ko naman kasi alam kung anong tama at dapat isagot sakanila.

after 20minutes natapos na din nila yung pinagawa ko..tatayo na sana ako para ayusin yung mga gamit ko para umuwi ng magring yung phone ko, napakunot pa yung nuo ko nung makitang unknow number yung tumatawag, hindi ito number dito sa pilipinas kaya lalo akong napaisip..

hello..sagot ko sa kabilang linya, narining ko pa yung buntong hininga niya, hindi ako pwedeng magkamali si deanna to..

deanna?..tanong ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ang alam ko lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko..

yes its me jessica..tipid na sagot niya kaya napalunok ako..namiss ko siya

i miss you so much, im sorry kungggg...hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil biglang may nagsalita.

babe lets eat malamig na yung food..boses ng babae sa kabilang linya kaya pakiramdam ko bigla akong nanlambot, kaya ba hindi na niya ako naalala? kaya ba hindi na siya tumawag sa loob ng isang buwan? hindi ko namalayan tumutulo na pala yung luha ko..kailangan ko pabang maniwala sayo na babalik ka? na babalikan mo ako?

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now