Part 31

1.9K 99 32
                                    

Jessica:

baste sigurado ka bang bumalik si deanna?..kinakabahang tanong ko kay baste, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, bakit pa siya bumalik ngayong handa na akong lumayo..

opo tita nakita namin siya ni lolo jessie sa bayan kanina pauwi po dito kaya nakasabay po namin siya..sagot niya, nagulat naman ako nung may humawak sa braso ko kaya mabilis akong napalingon..

tara na..si ella, nakatingin lang ako sakanya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko..

tatanungin ko pa sana si baste pero tumakbo na siya palayo para bumalik sa mga kalaro niya..

inalalayan naman ako ni ella papunta sa bangka kung san kami sasakay, parang hindi ko magawang humakbang, handa na nga ba akong iwan tong isla?.

ok ka lang ba? huwag kang mag alala pag alis natin dito magiging maayos na ang lahat..malambing na sabi niya, kaya tumango nalang ako at naglakad papunta sa bangka pero napatigil ako nung may tumawag sa pangalan ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa boses na narinig ko, hindi ako pwedeng magkamali sa boses na yun, kahit ramdam ko yung hingal niya.

jessica...malakas na sigaw niya kaya napalingon ako, patingin naman ako nung hawakan ni ella yung kamay ko..

tara na..seryosong sabi niya kaya napalunok ako saka tumingin sa taong naglalakad palapit sa amin, gusto kong alisin yung kamay ni ella na nakahawak sa kamay ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng paghawak niya.

paglapit ni deanna sa amin napatingin agad siya sa kamay ko na hawak ni ella at biglang kumunot yung nuo..

jessica im so sorry ngayon lang ako nakabalik..hinihingal na sabi niya, nakatingin lang ako sakanya, walang gustong lumabas na kahit anong salita sa bibig ko.

kahit hindi kana sana bumalik..sabat ni ella kaya tiningnan siya ni deanna ng masama..

hindi ikaw ang kinakausap ko..inis na sabi ni deanna pero natawa lang ng mahina si ella..

hindi ka kailangan ni jessica kaya bumalik kana sa lugar kung saan ka galing, saka diba ikakasal kana? ano pang ginagawa mo dito?.mahabang sinabi ni ella kaya napakuyom yung kamao ni deanna, nasaktan naman ako sa narinig ko na ikakasal na siya..

jessica tara na..si ella saka ako hinila papunta sa bangka..

no hindi siya aalis..galit na sabi ni deanna at inagaw yung kamay ko sa kamay ni ella..

bitawan mo siya..galit na sabi ni ella pero parang walang narinig si deanna.

akala ko may sasabihin siya pero nagulat ako nung bigla niya akong halikan sa labi, hindi ako nakagalaw,nanlaki din yung mata ko sa ginawa niya..

marry me...

marry me jessica..

hindi ka aalis, magpapakasal tayo..seryong sabi niya nung bitawan yung labi ko sa paghalik niya..

tama ba yung narinig ko? pakakasalan niya ako?..

hooooyyy dddeeaannnaa ibaba mo ako, gago ka pag ako nahulog..biglang sigaw ko nung buhatin niya ako,pero ang loko tumawa lang ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin..

so pano iuuwi ko na tong future wife ko..nang iinis na sabi niya kay ella saka naglakad palayo habang buhat ako..

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now