Part 21

1.7K 81 16
                                    

Jessica:

seryoso kaba sa sinasabi mo jessica?..seryosong tanong ni mama kaya napayuko ako, alam kong dissappointed sila sa sinabi ko.

paano nangyari yan?jessica nag iisip kaba?.si papa kaya hindi ko na napigilang maiyak, alam kong napakalaking kahihiyaan to para sakanila lalo nat ginagalang sila dito sa isla, pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari, sa konting panahong nakasama ko si deanna alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at ramdam kong mahal niya din ako..

ma/pa alam ko pong mali pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari..umiiyak na sabi ko, sabay naman silang napabuntong hininga..

tawagan mo si deanna ngayon din, bumalik siya dito at panagutan ka niya..galit na sabi ni papa kaya nag angat ako nang tingin..pano naman niya ako pananagutan kung may fiancee na siya at kasama na niya ngayon.

tama ang papa mo jessica, hindi kame papayag na hindi ka panagutan ni deanna..si mama kaya napahinga ako ng malalim, paano ko ba sasabihin sakanila..

ma/ pa kung mahal niya ako babalik siya, hindi ko na siya kailangang tawagan pa..seryosong sabi ko,pero nagulat ako nang biglang hinampas ni papa yung lamesa

tigilan mo ako sa ganyang katwiran mo jessica, tawagan mo si deanna ngayon na..galit na sabi ni papa kaya wala akong nagawa kundi iopen yung phone ko na nung isang araw ko pa hindi binubuksan.

ang daming missed calls at message ni deanna simula nung huling pag uusap namin at kahapon, pero ngayong araw wala siyang missed call at walang message..

ano na jessica hindi pa ba sumasagot..naiinis na tanong ni papa dahil kanina ko pa tinatawagan si deanna hindi ko makontak..

pa hindi ko po makontak patay po yata yung phone niya..kinakabahang sagot ko kaya sinamaan ako ng tingin ni papa.

yan na nga ba ang sinasabi ko eh, ngayon hindi mo na makontak yang taong yan..mas lalo lang nagalit si papa kaya napayuko ako..naiitindihan ko naman sila kung bakit sila ganito..

kausapin mo yang anak mo fe..huling sinabi ni papa saka ako tinalikuran.,tahimik lang si mama na nakatingin sa akin, hindi ko alam kung anong iniisip niya, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko

anong plano mo jessica?..seryosong tanong niya, ano nga bang plano ko? sa totoo lang hindi ko alam

hindi ko po alam ma..sagot ko saka pinunas yung luha ko

hindi nalang sarili mo ngayon ang iisipin mo anak, magiging nanay kana din at siya na uunahin mo sa lahat ng desisyon mo..si mama kaya napayakap ako sakanya, niyakap din naman niya ako pabalik..

ma hindi ko alam paano magsisimula, paano kame ng anak ko?paano kung hindi na bumalik si deanna? umiiyak na sabi ko, naramdaman ko naman yung kamay niya sa likod ko kaya pakiramdam ko gumaan kahit paano yung bigat sa dibdib ko.

paano ko sisimulan yung buhay ko? hindi na ako mag isa ngayon, dalawa na kame ng anak ko

bumalik man o hindi si deanna kailangan mong maging matatag para sa anak mo..seryosong sabi ni mama habang yakap ako..tama siya kailangan kong magiging matatag..

Paninindigan KitaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz