Part 12

1.9K 70 0
                                    

Deans:

deans kailangan mo nang bumalik dito, hindi ok ang lagay ni ate bea, i know she's not safe here, hindi ko siya mailipat ng ospital dahil laging may nakabantay at yung company niyo si angelica ang naghahariharian, ate bea needs you deans..si jaycel sa kabilang linya kaya napakuyom yung kamao..

jaycel told me na nung araw na maaksidente ako yun din yung araw na naaksidente si ate bea, jaycel also told me na nawalan ng control si ate bea dahil sa balitang nangyari sakin kaya siya nabangga, but i know hindi basta basta mangyayari yun sakanya, i know ate bea hindi siya ganung tao na basta basta nagpapanic, minsan naisip ko hindi kaya plano talaga ng gumawa nito na mawala kaming magkapatid..

nasan kaba? sabihin mo sa akin deans pupuntahan kita..seryosong sabi niya kaya napabuntong hininga ako, kung may tao talagang gustong magpapatay sa akin hindi ko dapat sabihin kung nasaan ako, walang ibang pwedeng makaalam nang lugar na ito bukod sa akin, hindi ko hahayaang mapahamak yung mga tao dito na walang ibang ginawa kundi tanggapin at tulungan ako..

no need jaycel bukas na bukas babalik na ako dyan..i will call you tomorrow..sagot ko saka  inend yung call, kailangan ko nang bumalik sa dating kong buhay, marami akong dapat ayusin, kailangan kong mahanap kung sino ang may pakana sa lahat ng nangyaring to..

Deans tara na..si maam jessica nagulat pa ako sa pagtawag niya sa akin, pupunta kame kila tots ngayon may konting salo salo daw..

aahh yes maam..mabilis na sagot ko saka nilagay sa bulsa yung phone ko, yes nakabili na din ako ng sarili kong phone, i need this..

jessica nalang, wala tayo sa school at isa pa hindi kita estudyante..masungit na sabi niya kaya napakamot ako ng ulo, minsan mabait siya sa akin, minsan naman napakasungit siguro kung naglilihi lang to magiging kamukha ko yung anak niya..

sinabi ko lang yung itatawag mo  sa akin na tulala kana dyan..pagtataray niya saka ako tinalikuran kaya nailing ako, paano ko ba mapapaamo to, napakasungit..

jessica wait naman..habol ko sakanya, napakabilis kasing maglakad..

bakit ka nang aakbay..pagtataray niya sabay siko sa tagiliran ko kaya napaubo ako ng wala sa oras, masakit yun ha 

masakit? sige umakbay kapa, ulitin mo pa..taas kilay na sabi niya kaya wala akong nagawa kundi humawak sa tigiliran kung siniko niya..

jessica pwede ba tayong dumaan sa tabing dagat mamaya bago tayo umuwi?..pag iiba ko nang usapan habang naglalakad kame papunta kila tots, damn masakit talaga yung siniko niya..

bakit?..tipid na tanong  niya, sasabihin ko naba sakanya na aalis na ako bukas?..

aaahhh wala naman gusto ko lang sana magpahangin, its ok naman kung ayaw mo ako nalang pupunta mamaya..sagot ko, paano ba ako magpapaalam sakanya? for how many months na nandito ako hindi ko mapigilan yung sarili ko to fall in love with her, kahit pa napakasungit  niya sa akin, but i know mali tong nararamdaman ko, engaged na ako and soon to be married..

sige sasama ako..mabilis na sagot niya bago naunang naglalakad papasok sa bahay nila tots,napangiti naman ako sa sagot niya, for the last time makakasama ko siya..

Paninindigan KitaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora