Part 39

2.1K 102 18
                                    

Jessica:

jusko naman ella nakakagulat ka..sabay hawak ko sa dibdib ko,paano ba naman palabas ako ng room ko nagulat ako nasa harap ko na siya.

sorry..malungkot na sabi niya kaya napahinga ako nang malalim, nandito kasi ako sa school para ayusin yung mga gamit na iiwan ko, nakiusap kasi si deanna na after wedding huwag daw muna akong bumalik sa pagtuturo kahit isang buwan lang, wala naman akong nagawa kundi pumayag dahil sinang ayunan naman ni papa at mama yung gusto niya, kaya yung mokong ngiting panalo na naman.

bakit kaba nandito?..takang tanong ko sabado kasi ngayon at walang pasok nakakapagtaka lang na nandito siya, si deanna at ate niya nasa bayan ewan kung ano na namang bibilhin nila, simula nung dumating yung ate niya parang laging fiesta dito sa isla..

wala gusto lang kitang makita.seryosong sabi niya kaya kumunot yung nuo ko.

jessica sigurado kana bang magpapakasal ka sakanya?..tanong niya kaya napatigil ako sa ginagawa kong paglalagay sa box ng ibang gamit ko,si maam den kasi muna ang papalit sakin dito for one month.

ha? anong klaseng tanong yan ella?..balik na tanong pero mabilis niyang hinawakan yung kamay ko pero inalis ko din agad yung kamay niya.

dahil kung sigurado ka sakanya hindi mo iisiping sumama sa akin nuon, kung hindi lang siya dumating nung araw na yun siguro ngayon tayo yung magkasama, malayo sakanya, malayo sakanilang lahat..napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

magulo yung isip ko nun ella, alam mo yung sitwasyon ko kung mga panahong yun..malungkot na sabi ko, nagpupunas na kasi siya ng luha niya, alam ko naman yung nararamdaman niya para sa akin, inamin niyang lahat yung nung huling nag usap kaming dalawa.

pinaliwanag ko na sayo lahat diba?..akala ko ba ayos na lahat? akala ko ba malinaw na?..naguguluhang tanong ko, hindi ko kasi alam kung bakit ganito na naman siya..

akala ko din eh, akala ko ok na, akala ko tanggap ko na pero jessica pakiramdam ko pinaasa mo lang ako..umiiyak nang sabi niya kaya tinigil ko yung ginagawa ko at lumapit sakanya.

ella alam mong hindi totoo yan, alam mong wala akong pinaasa, uo mali akong nagdesisyong sumama sayo nuon dahil sa gulo ng isip ko, sorry kung dahil dun umaasa ka, alam ko kasalanan ko..seryosong sabi ko saka inabutan siya ng panyo. alam ko namang mali ako sa bagay na yun. maling mali na nagdisisyon akong sumama sakanya dahil lang naguguluhan ako, nasaktan ko siya at kasalanan ko yun.

dahil ba mayaman siya kaya mas pinili mo siya?biglang tanong niya kaya kumunot yung nuo ko.

teka sobra na yata yang salita mo ella! anong tingin mo sa akin pera lang niya ang habol ko? hindi ako ganung tao alam mo yan, pinili ko siya dahil siya ang ama ng anak ko at higit sa lahat pinili ko siya dahil mahal ko siya hindi dahil sa kung anong materyal na bagay..inis na sabi ko pero bigla siyang tumayo at hinawakan yung magkabilang pisngi ko, hindi ako makagalaw sa hawak niya, dahan dahan niyang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko.

what's going on here?.. tanong ng boses sa harap ng pinto ng classroom ko kaya mabilis ko siyang naitulak, boses palang niya alam kong si deanna yun, napalunok nalang ako nung paglingon ko sakanya ang sama ng tingin niya sa akin, i mean sa aming dalawa ni ella..

bbbb..nauutal na sabi ko pero wala akong narinig na kahit ano sakanya, kundi nagulat ako sa pagbalibag niya ng pinto kaya napaupo nalang ako, galit siya, hindi lang galit kundi galit na galit..

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now