Lingid sa aking kaalaman na hiram lamang ang mga buhay sa mundo.
And if you were to ask me what made me realize nothing lasts forever, I'd tell you... it was the moment on my birthday when I found out both of my parents had passed away.
Simula noon... hindi ko maitatanggi na tila ba... sinusundan ako ng kadiliman.
Sa bawat pag-pikit hanggang sa pagmulat ko ng aking mga mata, tanging katahimikan at kadiliman na lamang ang tangi kong kaibigan at karamay sa buhay. I feel like I understand silence more deeply than anyone else.
Maraming uri ng katahimikan...
Katahimikang maririnig mo ang pagaspas ng mga dahon. Ang pakpak ng mga kulisap, ang tiktak ng orasan, ang pagtibok ng iyong puso. Ang katahimikan ng iyong isipan at ang... katahimikan na maririnig mo ang...
I stretched and looked up at the sky.
Ramdam ko ang buhat ng init ng araw kahit na nasa silong ako ng magarbong puno. Mahangin at presko naman kaya hindi masiyadong masakit ang sinag ng araw sa balat. Marahan akong napapikit buhat ng kalmadong paligid.
Kasalukuyan akong nakaupo sa tuktok ng cinder blocks. And yeah, I was at the cemetery instead of listening to the teacher. Mas pipiliin ko pang makasama ang dagat ng puntod ng mga namayapang tao kaysa sa mga taong kung umasta ay mas masahol pa sa hayop.
I inhaled deeply, moved my round glasses on my nose.
Naagaw ang atensyon ko sa kaninang ginagawa. Lukot na ang papel na kaninang pinagsusulatan ko. Halos matabunan na rin ito ng mga dahon na nahuhulog mula sa magarbong puno sa itaas.
Pumuslit ang ngiwi sa aking labi nang mabasa ang mga salita na kanina pa pinagkakaabalahan isalin sa wikang Filipino. I found a book at the library earlier that was written in Baybayin. Kinuha ko na lang ito para pagkaabalahan habang naghihintay matapos ang oras ng klase.
"Ciuineos... isang makina na may kakayahang maghatid ng isang tao pabalik o pasulong sa oras. Ciuineous... isang haypotikal na aparato na nagpapahintulot sa paglalakbay sa nakaraan at hinaharap."
I tsked.
Walang kwenta... hindi naman totoo ang bagay na iyon. Ciuineos at Ciuineous? Halata namang gawa-gawa lang ang salitang iyon gamit ang pinagsama-samang letra. Hindi naman totoo iyon. Mga baliw lang ang naniniwala sa bagay na iyon.
Maging si Albert Einstein siguro ay hindi makakagawa ng ganitong uri ng bagay.
Binagsak ko ang kamay ko at nilukot ang papel gamit ang isang kamay.
Nag-sayang lang ako ng oras. Wala rin pala akong napala sa pinagkaabalahan kong ito.
"Binibini! Mag-iingat ka, may paparating na madre!" Umalingawngaw ang bpamilyar na baritonong boses ng isang lalaki sa buong paligid. Hindi lang isa iyon dahil nasundan pa nang nag-aalalang tono.
Kaagad naman akong naalarma. Kinuha ko ang papel at ballpen sa lapag at agad na nilibot ang paningin sa paligid.
"Binibini," Tawag niya pa ulit saakin. Umalingawngaw ang kaniyang boses sa aking isipan na para bang may gamit siyang mikropono na ikinadahilan upang magsitayuan ang aking mga balahibo.
Hindi na ito bago sa'kin.
Dahil... isa ito sa uri ng katahimikan. Ang katahimikang maririnig mong nakikipag-usap sa 'yo ang mga namayapang kaluluwa.
He has been by my side since my parents died. MInsan nga'y hindi ko siya maiwasang masisi kung bakit wala akong kaibigan at lahat ng estudyante sa paaralan na pinapasukan ko ay natatakot sa'kin.

BINABASA MO ANG
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...