Hesitation creeps me out the whole day.
Ang ideya na may gusto sa'kin si Ryuu ay hindi ako pinatulog. Nagmamanman lang ito sa isipan ko buong gabi hanggang sa tuluyang sumikat ang araw.
Umamin siya sa'kin at hindi ko lang iyon binigyan ng pansin dahil ikakasal na ako sa kapatid niya.
I don't know how I should feel. Alam kong dapat akong maging masaya dahil naging tapat ako sa magiging asawa ko. But there's this big part of me that feels like it's broken into a million pieces.
Ni hindi ko rin alam kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.
"Nagawa 'yon ni Ryuu para tigilan si Iyana sa pagtatangkang pagpatay sa'kin."
Wala sa wisyo kong tinikom ang bibig matapos bitawan ang mga salitang iyon. Maski sina Cynthia at Carmela ay napatigil sa ginagawa nilang paggagantsilyo ng bigla na lang akong mag-salita sa kabila ng labis na katahimikan.
Cynthia looked at me with disbelief. "Pagtatangkang pagpapatay?"
"Ano ang iyong nais sabihin, Binibini?" Tanong din ni Carmela.
Sumimsim ako sa tasa ng tsaa at saka sila hinarap. "Gusto akong patayin ni Iyana no'ng araw na 'yon dahil akala niya, aagawin ko sa kaniya si Prinsipe Leon. Mabuti nga't dumating si Ryuu, kun'di ay baka ako ang nakabaon sa kagubatan ng Ventnor."
Hindi ko alam kung bakit ko kinailangan aminin ang totoo.
Maliwanag na nga sa'kin noong una pa lang na hindi ko na kailangan sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit naging ganoon ang desisyon ni Ryuu.
Ngunit kung patuloy na pagmamalupitan ng dalawa ang hindi nanlalaban na si Ryuu bilang paghiganti sa yumaong kaibigan ay wala akong magagawa kun'di ang sabihin ang totoo.
Ako na kasi ang pinagbutihan ng loob, ngunit lumalabas na siya pa ang napupurwisyo.
"Umabot si Iyana sa punto na iyon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Cynthia, bakas ang galit sa tono. "Para lang sa lalaki ay papatayin niya ang matalik niyang kaibigan?!"
"May sira na ba talaga sa ulo ang isang iyon?!" Balik na tanong ni Carmela kay Cynthia habang nananatili ang pagkakuyom ng kaniyang kamao.
Siguro kung buhay pa si Iyana, paniguradong lulusubin nila ang babae at tatapunan ng masasamang salita. They never tolerate that kind of attitude. Ngunit hindi rin naman magtatagal ay pinapatawad din nila ito sa oras na makitaan ng pagbabago ang kaibigan.
"Si Iyana ang may kasalanan kung bakit ganoon ang inabot niya... ngunit hayaan niyo na dahil nangyari na," I bit my lower lip. "Bilisan niyo sa ginagawa niyo at samahan ninyo akong mag-tingin ng damit."
Pagtatapos ko sa usapan.
Nilinis ko lang talaga ang pangalan ni Ryuu. Parang hindi ko kasi kayang pakinggan sa oras na malaman ko ulit na sinugod siya ng dalawa kong kaibigan dahil sa sobrang galit. Wala namang ginawang masama ang lalaki...
"Dapat ay hinayaan na lang natin ipakain sa buway—"
Masama kong tiningnan si Cynthia na tila ba walang balak tumigil sa pagbabanta sa yumaong kaibigan. Agad niyang sinara ang bibig at tumango na lamang bago binalik ang atensyon sa ginagawang paggagantsilyo.
Tahimik din ako na bumalik sa ginagawa.
Akala ko ay lilipas ang araw at mangyayari ang mga inaasahan namin.
Ngunit hindi pala.
Nang sumapit ang gabi ng lunes ay may natanggap kaming liham ni Keitaro. Liham iyon galing sa prayle na mangunguna sa kasal namin ni Keitaro. Nakapaloob sa liham na nakansela ang byahe ng barko na sasakyan nila dahil sa paparating na malakas na bagyo.

YOU ARE READING
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...