"Ngunit hindi ko gusto ang iyong kagandahan, naiinis ako kapag nakikita ka..." Dugtong niya. Unti-unting lumuwag ang pagkakakapit niya saakin dahilan upang mapakapit ako sa kaniyang balikat.
A-Ano ba ang binabalak niyang gawin?
Mabilis niyang tinggal ang aking kamay na kasalukuyang nasa ibabaw ng kaniyang balikat at malakas akong tinulak. Napamura ako sa aking isipan. Agad kong naramdaman ang malamig na tubig sa ilog kasabay nang pagtama ng aking likod sa maliliit na bato.
Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakahilata sa tubig ilog. Mababaw lamang ang tubig nito at hanggang paa ko lang ngunit nakakangatog ang lamig.Umuwang ng kaunti ang aking bibig, ang mga mata ay na kay Ryuu.
"Bwisit ka! Gan'yan ba ang ugali ng mga prinsipe? Ay, mali... ikaw lang pala ang prinsipe na may pangit ang pag-uugali. Hindi ka na nga kagwapuhan gan'yan pa ang iyong inaasal! Napakawalang modo!" Singhal ko.
Napatikhim siya, kasalukuyang pinapagpag ang kaniyang kamay. Ang mukha niya ay walang emosyon at ang mga mata ay nasa akin lamang ang pokus.
"Wala akong paki kung hindi mo gusto ang pagkita sa'kin! Dahil ako, ayaw ko rin sa'yo. Lubhang nakakainis ka kaya! Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na mag-sumpa ng isang tao, nako, walang duda't ikaw agad ang paglalaanan ko ng oras para lamang masumpa ka!"
Akmang ibubuka ko ang aking bibig nang maramdaman ko ang paglapit saakin ni Prinsipe Keitaro.
"May masakit ba sa 'yo, Binibini?" Aniya, inilalahad sa pagitan namin ang kaniyang kamay. Agad akong umiling bilang sagot sa kaniyang tanong at ilang segundong tinitigan ang nakalahad niyang kamay sa pagitan namin bago iyon tanggapin.
Sa panahong ito... dalawang prinsipe pa lamang ang nakikilala 'ko. Ang isa ay punyeta na akala mo naman ay kung sino at ang isa naman ay isang maginoo, na aakalahin mong isang anghel na nagmula sa langit.
Tinulungan ako ni Prinsipe Keitaro makaahon sa tubig ilog. Nang tuluyang makaahon ay mabilis na umakyat sa aking ugat ang matinding pagkagalit kay Ryuu.
Gusto ko siyang saktan sa pamamagitan ng sampal at suntok ngunit hindi ko siya malapitan dahil sa basa at mabigat kong damit.
Napairap ako sa kawalan at hinawakan ang basang palda. Nahagip ng mata ko ang pagtawag ni Prinsipe Keitaro sa tatlong binibini.
Kayumanggi ang kulay ng kanilang kausotan na nangangahulugang mababa ang kanilang estado sa buhay. May sinabi ang prinsipe sa tatlong binibini at agad silang nagtanguhan. Lumapit sila saakin at inalalayan ako sa paglalakad.Walong hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang huminto ako na ikinadahilan nang paghinto rin ng tatlong binibini. Mabagal akong lumingon sa aking likod at agad na nagkasalubong ang aming mata ni Ryuu.
Isang ngisi ang unti-unting gumuhit sa kaniyang labi na ikinanginig ko sa sobrang pagkagalit. Agad akong bumaling sa harap at nagmamadaling naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang palikuran o banyo.
Napunta yata ako sa panahong ito para magtanim ng galit kay Ryuu.
"Ganoon ba talaga ang ugali ni Ryuu?" Takang tanong ko. Kasalukuyan nila akong tinutulungan sa pagbihis, ang tanging suot ko lamang ay kulay puting sando na magiging paloob kapag nasuot ko na ang saya.
Nakataas ang aking dalawang kamay, hinihintay ang kanilang pagsuot sa aking damit. Ewan ko ba kung bakit ganito sa panahong ito. Bakit pa sila biniyayaan ng kamay at mga paa kung hindi naman nila kayang gawin ang mga ganitong kadaling bagay.
"O-Oho... g-ganiyan n-na talaga s-siya..." Sagot ng isa sa kanila. Napalingon ako sa kaniya at agad na pinantaasan ng kilay na mas lalong nagpayuko sa kaniya.

YOU ARE READING
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...