Kung ganoon... tama nga ang hinala ko.
si Keitaro ang tigreng-ibon...
There was a small jump in my heart for unknown reasons. Siguro dahil tama ang instincts ko? O baka nararamdaman ko ito dahil tumugma sa hinahanap ko ang lalaking gusto ko?
"Prinsesa,"
The sound of the familiar voice made me quickly look up. Kasalukuyan akong nasa likod ng mga rehas, hindi mawari ang tunay na nararamdaman. Aaminin kong nag-aalala ang sarili ko sa hindi matukoy na tao.
Dahil sa'kin? Kina prinsipe Sath at Leon? Kay Keitaro?... o kay Ryuu?
Bahala na. Ang mahalaga ay mapapabilis ang pagbalik ko sa taon na kung saan talaga ako nag-mula. Mabuti na lang at nangyari ang mga bagay na 'to; na nakuha ng mga armado ang prinsipe na si Ryuu para maging dahilan nang pag-amin niya.
Ngayon ay naniniwala na ako sa sinasabi nilang sometimes, the wrong train takes you to the right station.
"Prinsesa,"
Mabilis na tumama ang mga mata ko sa pamilyar na mata. After a few minutes of staring into his eyes, I got up from my seat as soon as I realized who it was that was in front of me.
Kung hindi pa niya ipapakita ang malalim niyang dimple ay hindi ko siya makikilala dahil sa kadahilanan na nakasuot siya ng pang-armado.
Sabi na nga ba... hindi dapat ako mabahala sa kalagayan namin dahil alam kong may tulong na lalapit sa'kin. Favorite talaga ako ni Lord.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Shh, umupo ka lang, Prinsesa. Baka mahalata tayo ng mga armado..." Utos sa'kin ni Prinsipe Leon kaya naman kaagad ko 'tong sinunod at labis na nagtataka nang nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Nasaan si Prinsipe Sarathiel? Ayos lang ba siya? Nasa Matis na ba siya?"
Tuwid na nakatayo at nakatalikod sa'kin si Prinsipe Leon kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. I heard him cleared his throat. "Nasa asotea siya ng kaharian na ito, Prinsesa. Nililinlang niya ang iba pang armado gamit ang inuming lambanog."
"Anong plano niyo?"
"Hindi pa kami sigurado sa magiging kalabasan, Prinsesa. Ngunit plano naming kumuha pa ng isang kasuotan ng armado at pag-panggapin ka rin bilang isa sa kanila." Seryoso niyang untag.
Matipuno si Prinsipe Leon at mukhang may paninindigan sa sarili. Hindi na ako magtataka kung bakit hulog na hulog sa kaniya si Iyana at halos araw-araw ay pinagpupuyatan ang mga liham na ipapadala niya sa Prinsipe.
Maganda naman si Iyana, banyaga ang atake ng ganda niya. May paninindigan din ang babae sa kaniyang sarili kaya masasabi kong bagay silang dalawa ni Prinsipe Leon.
Ang problema nga lang... hindi sinusulatan ng pangalan ni Iyana ang mga liham na ipapabigay niya sa'kin kay Prinsipe Leon. Kaya't ang lumalabas sa pananaw ni Prinsipe Leon ay ako ang sumusulat sa kaniya ng liham.
"Paano tayo makakalabas?" Tila ba hindi maubos ang tanong sa isipan ko.
"Inutusan ng barbaro ang tatlong armado na tumungo sa Lapi upang balikan ang dalawang Prinsipe na nakita nila kagabi," Humakbang paatras ang prinsipe sa'kin para walang ibang makarinig ng mga sasabihin niya. "Paniguradong lasing na ang tatlong armado na inutusan at maari tayong magpanggap bilang sila."
I gave him a thumbs up. Mukhang pinagplanuhan nila nang mabuti ang tungkol dito.
"Bibigyan kita ng tanda kung kailan ka magpapaalam sa armado na gumamit ng palikuran. Iiwan ko ro'n ang kasuotan at kailangan ay makapag-palit ka kaagad dahil kailangan mong sumabay sa mga nagpaalam din na gumamit ng palikuran, Prinsesa."

YOU ARE READING
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...