Kung ano ang sinabi ng militar na si Noel ay ganoon din ang ginawa ko.
Bawat pahina ng talaarawan ni Aurora ay blanko sa likuran. Doon ko sinulat ang mga nangyari sa akin simula noong mapadpad ako sa taon na ito.
Masakit na ang kamay ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito kakasulat ngunit hindi ako natinag nito.
I have a lot of questions, but I also have a lot of hope.
Nang mapuno ang talaarawan ay sinarado ko ito. Sa pagkakatanda ko ay limang minuto ang kailangan bago muli itong buksan. Kaya naman habang naghihintay ako ay napasilip ako sa bintana.
I looked off into the distance, where the palace was visible. Halos lahat ng ilaw ay nakabukas kaya't tila ba bituwin na nagniningning ang kaharian dahil sa mahalagang okasyon.
Hindi ko maiwasang balutin ng pait at pagsisisi.
Alam ko ang kaba na nararamdaman ngayon ni Keitaro kahit hindi ko siya nakikita. Paniguradong nangangamba siya dahil sa pag-aalala... kung may nangyari bang masama sa'kin o para sa kadahilanan na hindi ko siya siputin sa kasal namin.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa direksyon kung nasaan naroon ang basilika. Pasado alas-quatro na at dapat ay naroon na ako sa seremonya, suot ang mamahalin kong damit.
But if my feelings for him suddenly change, how can I get married?
Nagustuhan ko naman talaga si Keitaro at hindi ko siya pinaglaruan o pinaikot.
I know... I liked him.
Sinigurado kong umabot ng limang minuto ang nakasarang talaarawan ni Aurora bago ito binuksan. Akala ko ay mabibigo ako sa panloloko ni Noel ngunit lumabas na totoo ang mga sinabi niya.
Ang mga blangkong pahina ay biglang napalitan ng mga titik. Maging ang kaba sa dibdib ko ay napalitan ng labis na pag-asa at pag-kagalak.
Hindi na ako nagpalipas pa ng oras at agad na binasa ng mahina ang mga salita. Ang unang talaarawan ay patungkol sa kaniyang alagang ibon na naputol ang pakpak at ilang araw ay namatay din agad.
I can't believe Aurora has that side.
Nilipat ko ang talaarawan sa kabilang pahina at tahimik itong binasa.
Talaarawan, marso dalawa, isang libo walong daan dalawampu't isa
Ako'y nag-tungo sa Valtory upang tapusin ang isang payak na misyon. Hindi ko inakalang binabalot ng kapahamakan at panganib ang lugar na iyon kaya't hindi ko inaasahan ang biglang pag-lusob sa akin ng dalawang barbaro. Malaki lamang ang kanilang katawan ngunit hindi ako kinabahan. Nakakatawa dahil napatumba ko kaagad ang dalawang barbaro.
Ako'y paalis na ngunit may maliksing kabayo ang dumaan sa harapn ko kasabay nang paglipad ng palaso sa aking direksyon. Halos dumaplis sa aking mukha ang palaso ng pana. Sinubukan kong habulin ang lalaki ngunit wala na ito. Ang tanging palatandaan ko lamang sa kaniya ay ang palaso ng pana niya na may nakaukit sa salitang espanyol na tigreng-ibon.
Sa tingin ko ay isa siyang prinsipe... ngunit sino at saang kaharian?
- Nagugulumihanan, Aurora.
May kung anong pagdagundong sa aking dibdib nang mabasa ang dalawang salita. Dalawang salita lamang ngunit nag-dulot ito ng samo't saring emosyon sa'kin. Sinandal ko ang sarili ko sa dingding at takang-taka na kinagat ang kuko ng hinlalaki.
Tigreng-ibon? Kung ganoon ay kilala ni Aurora si Yevhen?
Naghalo ang kaba at galak sa'kin nang ilipat ang kabilang pahina.

ESTÁS LEYENDO
The bridge to 1822
Ficción GeneralAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...