"Magbigay pugay sa bagong kasal!"
Pinanood ko kung paano nahati sa dalawang linya ang mga militar. Sabay-sabay silang yumuko habang ang dalawang kamay ay nasa likuran upang ipakita ang pagbibigay galang sa akin.
I did nothing but gasp.
Nakasakay kaming dalawa ni Keitaro sa malaking puting karwahe kung saan may dalawang kabayo ang nangunguna sa harapan. Napapalibutan kami ng iba't ibang klaseng makukulay na bulaklak, but that doesn't make me feel any better.
Nag-iwas lang ako ng tingin at walang pinansin sa kung ano ang nasa paligid.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko.
Bilang na lamang ang oras ng pagiging Prinsesa ko. Ang dating pagkababa ng estado ko ay tila ba hinila pataas. The reigning queen will pass me her crown tomorrow.
Dapat ba akong matuwa dahil nasa mapapasakin na ang trono at korona?
Napagigtad ako nang maramdaman ang mainit na kamay ni Keitaro sa ibabaw ng aking kamay. Bahagya niya iyong pinisil upang kuhanin ng buo ang atensyon ko.
Umarko ang kilay ko. "Ano 'yon?" Pagkatanong ko ay agad ko ring binawi ang kamay ko sa kaniyang palad.
I don't want him touching me. Nandidiri ako at hindi komportable. Marahil noon ay nakasanayan kong hiligin ang ideya na iyon, ngunit hindi na ngayon.
Aaminin kong ibang-iba na ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon.
"Ayos ka lang ba?"
I just faked a smile. Wala naman akong ibang sasabihin sa kaniya at wala ako sa pihit para makipag-kapwa tao. Gusto ko na lamang umuwi at isubsob ang sarili sa unan ko.
Pakiramdam ko ay ubos na ubos ako. Na tila ba may kulang sa akin.
How I wish Ryuu was now okay.
Naunang bumaba si Keitaro sa kalesa at nagmamadaling umikot sa aking direksyon. May malawak na ngiti sa labi niyang nilahad ang kamay niya sa harapan ko. I gawked before taking it.
Sana naman matunugan n'yang hindi ako kumportable sa kinikilos niya.
Nang tuluyang makalapag ay nagpalakpakan ang mga tao. Agad ko rin namang binitawan ang kamay ng lalaki na nasa tabi. His eyebrows arched, indicating that he was taken aback by what I had done, but I ignored it further.
Tahimik kaming pumasok sa palasyo. Kaagad naman kaming hinarang ng tatlong militar at apat na dama upang alalayan patungo sa Mulave.
"Magandang gabi ho," Kaagad kong bati habang nakayuko nang tumambad sa amin ang reyna.
Nasa iisang mahabang lamesa ang pamilyang maharlika. Ngunit hindi na katulad ng nakasanayan dahil wala na rito ang hari na si Lycus. Ayon lang. Sanay naman na kasi kami sa pagliban ni Ryuu sa mga ganitong okasyon.
Mabuti nga at wala siya rito. I'm sure I'll only hurt him once again.
"Nagagalak akong natuloy kaagad ang inyong kasal," The queen smiled. "Hindi ko na rin kayang panghawakan pa ang korona na pinanghahawakan ko. At kung ipapasa ko man ito sa karapat-dapat, alam kong ikaw ang nararapat."
Her soft voice somehow gives me chills.
Dumagdag pa si Keitaro na malawak ang ngiti sa tabi ko. It was like I won a lottery, and he was so proud to look at me. Na parang kahit saan siya magtungo ay hindi siya mag-aalinlangan na ipagmalaki ako sa kung sinoman.
"Maliit na bagay para sa aking asawa. Lingid sa aking kaalaman ang kaniyang kakayahan at talino, alam kong hindi siya papalya bilang reyna ng Humilton." Pinisil ni Keitaro ang kamay ko.

YOU ARE READING
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...