"Lagyan mo lamang ng kontrol ang paghawak sa espada,"
Mabilis akong tumango at ginaya ang kaninang ginawa niya.
Matapos namin magkamustahan at magpalitan ng matatamis na salita ay nagpasya siyang ipakita sa'kin ang iba't ibang paraan ng paghawak ng espada. Nagtungo kami sa pribadong lugar sa palasyo kung saan nagsasanay ang mga prinsipe.
Kaming dalawa lamang ang narito sa tahimik na lugar habang ang iba ay nasa Mulave, nagtitipon puksain ang kagutuman.
"Malapit ba kayo sa isa't isa ni Prinsipe Sarathiel?" I can't help myself but ask.
Kanina ko pa siya gustong tanungin tungkol dito ngunit hindi ko magawa dahil baka mapagalitan niya ako. Istrikto ang lalaki pagdating sa pagtuturo nang paghawak ng mga sandata.
Kaya normal lang sigurong kabahan sa oras ng pagsasanay.
But the good thing is, he never shouts at me. Kapag napupuno siya sa'kin ay mariin niyang pinipikit ang mga mata niya at huhugot ng malalim na hininga bago ngingiti sa'kin. Hindi niya yata ako kayang pagsabihan ng kung anong salita na ikakasakit ko.
Keitaro shook his head. Pinorma niya ang hawak na pana at pinikit ang isang mata, tinatyansa ang gitna ng bilog na nakaguhit sa kayumangging papel.
"Hindi lumaki ang dalawang prinsipe rito sa Humilton. Parehas silang nanirahan sa Valtory dahil iyon ang kagustuhan ng ama," Paliwanag niya. "Kaya't ang prinspe Ryuu at prinsipe Sarathiel ang higit na magkasundo."
Valtory? "Saan iyon?"
"Isang araw ang byahe mula rito. Iyon ay isla na may kalayuan sa Peham."
Tumango-tango ako. "Bakit ginusto ng hari na roon manirahan ang dalawa?"
Napahinto si Keitaro at bahagyang lumamlam ang mga mata. "Matindi ang pag-aaway ng ina at ng ama noong araw na iyon. Napagkasunduan nila na ang panganay at ang bunso ay ang mapunta sa ina habang kaming dalawa ni prinsipe Leon ay sa ama."
"Eh kung ganoon... bakit gano'n 'yong reaksyon ng kasalukuyang reyna sa pagkamatay ng prinsipe?"
Hindi naman pala sila magkadugo. Grabe naman ang arte niya sa harap ng mga tao. Para ano? Para magpa-goodshot sa hari at mas tumagal sa kaniya ang korona?
"Noong nag-tungo sa Valtory ang mga kapatid ko't ina, ilang linggo lamang ay namatay ang ina. Bata pa no'n ang dalawa kong kapatid. Siyam na gulang ang prinsipe Ryuu habang si prinsipe Sarathiel ay sanggol pa lamang."
Binaba ko ang hawak kong pana para mabigay ng buo sa kaniya ang atensyon ko. Binigyan ko siya ng kuryosong tingin, ang noo ay puno ng butil ng pawis habang naka-pamaywang sa kaniyang harapan.
Kaya pala si Sarathiel at Ryuu lamang ang magkasundo sa kanilang apat.
"Ibigsabihin... inalagaan ng kasalukuyang Reyna ang sanggol na si Sarathiel?" Tanong ko at tumango naman siya. "Ngunit bakit namatay ang Reyna?"
"Hindi mo na maalala?"
Napakurap ako. "Iyong ano?"
"Isang dekada makalipas at napatunayan na ang tagapagsilbi ang pumatay sa ina... at ikaw ang naatasan ng hari na pumatay sa naninilbihan," He explained as my jaw dropped. "At iyon ang unang misyon mo bilang isang prinsesang sicarius."
Hindi ko alam kung bakit nagsitaasan ang mga balahibo ko. Nanalatay ang iilang hindi ko memorya sa aking isipan... na para bang nandoon talaga ako. Ramdam ko ang bawat emosyon at ang hindi maaninag na mga mukha.
Ako ba talaga si Aurora? Na nabuhay bilang si Katana?
Nag-peke ako ng tawa nang tingnan ako ni Keitaro gamit ang hindi makapaniwalang tingin.

أنت تقرأ
The bridge to 1822
قصص عامةAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...