Natutunan ko na sa buhay, hindi natin maikakaila na maraming bagay ang hindi natin mababago at ang mga dapat tanggapin. Whenever I face a problem, I always find myself wondering why it happened, what caused it, and what the consequences might be.
Until I realized that there are some questions we don't need to know the answers to...
It is what it is, and life goes on.
"Ubos na pages ng diary ni Aurora?" I cursed in my mind.
Bagsak ang balikat kong binaba ang quill sa gilid ko. I heaved a sigh before slowly looking up at Ryuu. Mapait naman akong napangiti at ang tingin ay pinako sa kaniyang mukha.
Ngayon ko lang siya nakita na mahimbing ang tulog.
Aaminin kong nakakatakot pa rin ang aura niya kahit kalmado at nakapahinga ang mukha. It's so intimidating.
Hindi ko aakalain na ganito ang bawat pigura ni Yevhen. Base kasi sa kaniyang pananalita at sa ugali niya, I expect Yevhen's figures to be soft and light. Iyong tipong unang tingin mo pa lang sa kaniya ay matutukoy mo ng mapagkakatiwalaan siya.
It's funny how I believed Keitaro and Yevhen were the same.
Napagtanto kong hindi pala talaga dapat binabase ang personalidad sa hitsura.
Ngumiti ako nang mapansin ang bahagyang paggalaw ni Ryuu. Akala ko ay magigising na siya kaya kaagad akong umalalay, but he didn't. Tumigilid siya patungo sa'kin upang magpalit ng pwesto at bumalik sa pagkakatulog.
Inayos ko naman agad ang pirasong tela na nakabenda sa kan'yang sugat.
I treated him with leaves I found outside. Mabuti na lang talaga na kasama ang kursong medesina sa tatlong kurso na pinagpipilian ko, which means identifying medicinal plants was not a problem for me.
Muli kong binalik ang mata sa talaarawan na binagsak sa lapag.
Ubos na ang pahina ng talaarawan ni Aurora. Wala na akong pagsusulatan pa para gamitin ang mahika ng mahiwagang talaarawan.
Paano kung tahiin ko ang papel sa talaarawan ni Aurora para madagdagan ang pahina ng kaniyang talaarawan? Is this possible? I mean... gagana kaya ang mahiwagang talaarawan na 'to kahit na ginamit ang tagping papel?
I sighed.
Hindi ko mapupunan ng sagot ang tanong ko kung hindi ko susubukan.
Kinuha ko ilang papel na gawa sa trapo, magulo itong nakasalansan sa aparador na gawa sa kahoy kaya mabilis kong nakita at nakuha. I placed it in front of me. I took out the ribbon that Cynthia had crocheted for my head and took out the needle that was lodged in my saya.
Sinalansan ko ang ilang papel na gawa sa trapo at pinag-isa ito. I sewed it to Aurora's diary.
Halos masugatan pa ako dahil may kalakihan ang karayom na hawak ko, but I didn't stop. Determinado ako sa gagawin ko.
There is nothing wrong with trying; what matters is that I tried.
Kaagad akong nagsulat ng tahimik sa harapan ni Ryuu. Nang matapos ay sinara ko ang talaarawan at saka muli itong binuksan.
My lips parted.
OMG! Gumana?!
Tumuwid ako sa pagkakaupo at sabik na binasa ang liham.
Ang aking tanging adhika ay ang kaligtasan ng mahal kong si Prinsipe Ryuu. Ngunit tunay ngang nakakalunos dahil wala na sa aking palad ang mga pangyayari.
Dumatal si Prinsipe Keitaro kung nasaan naroon ang nalilingid ang Prinsipe Ryuu. Umasa akong hindi magkakasalisi ang landas ng dalawang prinsipe ngunit kinalaunan lamang ay naapuhap ni Prinsipe Keitaro si Prinsipe Ryuu.

YOU ARE READING
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...