"Sino?!"
Ayan ang unang lumabas sa aking bibig matapos maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang minutong nanatili ang aking mata sa kalayuan, pinipilit alalahanin ang katagang binitawan ng lalaki.
Hindi ko matandaan. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala kung anong pangalan ang binanggit ng prinsipe na si Sath. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.
Ngunit sa kabila ng iyon ay hindi mawala sa aking isip ung ganoon... sino ang tigreng ibon?
"Prinsesa, mabuti naman ay gising ka na,"
Boses iyon ng militar na si Noel. Napatingin ako sa tarangkahan ng madilim na lugar na ito at agad na nakita ang militar na si Rowan. Sinusian niya ang kandado ng tarangkahan at binukas iyon.
"Kanina ka pa hinihintay ng mga prinsipe sa Mulave." Aniya at naglakad palapit saakin. May ingat niyang tinanggal ang nakakandadong bakal sa aking paa at kamay.
Tumango ako bilang paggalang nang maalis na niya ng tuluyan ang bagay na nakagapos saakin.
"Salamat." Linatanya ko at tumayo. Pinagpag ko ang damit ko at mabilis na naglakad palabas sa lugar na iyon.
Ang Mulave... hindi ko alam kung anong lugar iyon ngunit sa pagkakarinig ko, iyon ang lugar kung saan nagsasalo salo ang mga prinsipe sa palasyo ng Humilton.
Aha!... sa direksyon na iyon.
Kinusot ko ang aking mata gamit ang gilid ng aking hintuturo habang patuloy na naglalakad. Dinama ko ang malamig na hangin na yumayakap saakin. Maitim pa ang langit, at mukhang pasikat pa lamang ang araw.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras ngayon... ngunit napansin kong sobrang bagal nang pagtakbo ng oras sa taon na ito. Para akong nakakulong sa selda ng apat na araw ngunit kung iisipin ay dalawang araw at isang gabi lamang ang tinagal ko doon.
Kakaiba...
Ngunit... sino ang tigreng ibon?
"Prinsesa Aurora!"
Napahinto ako sa paglalakad, at agad na tumalikod upang balingan ang boses na tumawag sa aking pangalan. Iyon ang pangalawang prinsipe. Pinangkunutan ko siya ng noo habang hinihintay itong makalapit saakin.
Huminto ito sa tapat ko.
Hingal na hingal siya at mukhang may gustong ipaalam saakin. Hinabol niya ng paulit ulit ang kaniyang hininga at ilang segundo ang makalipas ay inilahad niya saakin ang banayad na kayumanggi na papel.
"A-Ayan ang sagot ni Leon sa iyong l-liham, Prinsesa," Aniya na mas lalong nagpakunot sa aking noo. "Ikaw pa lamang ang prinsesang naglakas loob bigyan ng liham ang ginoong katulad ni Leon..."
Mahina niyang tinapik ang braso ko ng dalawang beses at iniwan akong mag-isa. Napatingin ako sa kawalan, may uwang ang labi at ang noo ay nakakunot.
Ano? Ang alam ko, kay Iyana galing ang liham na 'yon, ngunit bakit napunta saakin? Wala bang pangalan ni Iyana ang papel na iyon kaya't ang akala ng mga nakakita ay ako ang nagbigay no'n?
Nakakahiya naman... hindi naman ako sumusulat ng liham para sa matiponong lalaki.
Napailing ako sa kawalan at unti unting bumaba ang paningin sa banayad na kayumanggi na papel. Nang makita ko ang mga letra na nakasulat sa baybayin ay agad akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
Kahit saan ako mapunta, sa kasalukuyan man o sa hinaharap... hindi nagkakamali ang tadhanang ipagtagpo kami ng wikang baybayin na ito. Nakakapagod pa naman mag-salin ng salita. Inaabot ako ng siyam siyam.

YOU ARE READING
The bridge to 1822
General FictionAng mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na parang bula nang mapagtanto niyang may kakayahan siyang makaamoy at makipag-usap sa lalaking espiritu na...