11

206 4 1
                                    




RHYS  POV




MARAMI na ang nagbago.
At mas marami pang magbabago pag nakagraduate na kami.

Siguro hinde na kami magiging tulad ng dati. Magiging busy na kaming lahat sa kanya kanya naming trabaho.

Sulit-sulitin na ngayon habang may panahon pang mag saya ang barkada.
Lalo na at dumating si mark.
Buo na ulit kami at puwede na gawin ang mga ginagawa namin nung high school pa kami.


Tungkol din pala guys sa nangyari sa coffeshop nong makita ko si kaori at ang ex nya.
Hinde ko naman sinasadyang magpanggap na boyfriend nya.
Nalaman ko kasi sa kapatid ko ang naging lovestory nila at nauwe sa wala.
Hinde ko aakalain na iyon ang masasabi ko kung puwede ko naman sabihin na kaibigan ko sya.
Ang daming puwedeng escuse pero iyon pa ang nasabi ko.
Nagkita ulit kami sa mall that time pero hinde ko alam na ang isang kilala kong kaori na tahimik ay may katarayan din palang tinatago.
Si arah ang pinaka kontrabidang nakadate ko pero nagawa nyang sagotin.
Napahanga nya ako sa oras na iyon.


Iwan ko nga ba at bakit sya nagkaboyfriend ng manloloko at iiwan din pala sya sa huli.
Iyong mga tipo nya ay minamahal at hinde dapat sinasaktan.

"At sino naman ako para magsabi ng ganon"

Sarili korin pala ang sasagot sa tanong ko.?

"Kuya puwede bang magpahatid sayo sa mall?"

Tiningnan ko ang relo ko at pasado alas 7 nang gabi.
Ano naman ang gagawin nya sa mall ng gabi. Hinde nalang nya ipagpa bukas kung anoman ang bibilhin nya ngayon.


"Bukas kana blythe, gabi na"

"Segi na kuya hinde naman ako magtatagal eh may imemeet lang kami ni kaori at sya na maghahatid sakin pauwe"

May Imemeet sila ni kaori. Sa ganitong oras.

"Sino bayan at bakit gabi pa makikipag kita?"

Tanong kopa sa kanya bago humigop ng kape ko.
Sa playboy na tulad ko ay coffee lover ako. Iwan koba kung bakit adik na adik ako sa kape.

Mas gusto kong uminom ng kape kisa ata makipagdate sa babae.

"Yong ex boyfriend nya"

Muntik pang mabuhos sa akin ang iniinom kung kape sa sinabi ni blythe.

"Sa gagong lalake'ng iyon makikipag kita pa sya roon?"


" Wow kuya, same naman kayo ng ex nya"

Hinde agad ako nakasagot sa sinagot nya sa akin.
Kinumpara ako sa lalakeng manloloko na iyon.

Mas guwapo naman ako doon, at saka hinde ako nakabuntis kaya magkaiba kami.


"Kuya please ayaw kasi makipagkita ni kaori mag isa at baka ano daw gawin nya sa kanya"

Sa bagay tama nga naman sya.
Sa pagmumukha ng lalake na iyon ay paniguradong walang gagawing mabuti sa kanya.


Tumayo na ako at nauna nang lumabas ng bahay.
Pinagbuksan ko ng pinto si blythe na ngiting ngiti.


Ngayon lang humingi sa akin ng tulong si blythe tungkol sa friend nya.
Naalala ko dati, sinabi ko sa kanya na baka si kaori ang yayain kong kadate sa js prom namin nung high school kami, sya ba naman ang unang unang umayaw at huwag na huwag ko daw susubokang gawin iyon.

Loving you |completedWhere stories live. Discover now