29

145 4 0
                                    







DONNY POV








TATLONG oras nang hinde nagigising si belle.
Ang sabi ng mga kaibigan nya ay nahulog sya sa pool ng itulak ni korren si blythe at sya ang natamaan ng matumba ito.

Hinde muna sya inuwe ng mga friend nya at ipinag paalam nalang sya sa aunte nya na hinde muna sya makakauwe ngayong gabi.
Patapos na ang party kaya wala masyadong tao ng mangyari iyon.
Tanging mga magulang nina rhys at ilang mga kaanak lang ang natira ng mga oras na iyon.


Hinatid narin ni steve sina ella at francine pauwe, sya ang subrang nag alala at humingi ng pasensya sa ginawa ng mga kaibigan nya, sya daw ang nag imbeta sa kanila kaya sya ang mas nahihiya sa nagyare.



Hinde pa namin napag uusapan kung ano ba talaga ang nangyare at umabot sila sa physical na sakitan.

Ang inaalala ko ngayon ay ang kalagayan ni belle. Nawalan siguro sya ng malay dahil hinde sya agad naahon. sabi nina blythe ay hinde sya agad naagapan iahon sa pool.
Nasa malalim na parte sya nahulog at hinde nya inaasahan ang pagkahulog nya kaya hinde sya nakaahon at nawalan ng malay.
Walang tao sa kinaroroonan nila at may kalayoan din sa ginanapan ng party,


Basa ang suot ko kanina kaya pinahiram ako ni rhys ng masusuot ko.
Oo basa ang damit ko dahil ako ang tumalon sa pool para maligtas sya.
Hinde ko alam kung anong naramdaman ko kanina ng tumatakbo papunta sa table namin si blythe na humihingi ng tulong.
Hinde paman nya nasasabi kung anong nangyayari ay patakbo akong pumunta sa kanila na pinag iwanan namin sa kanila.

Nadatnan ko ang mga babae na may tinitingnan sa pool, hinde na ako nagtanong at tiningnan kong anoyon.
Basta nalang ako tumalon ng makita ko si belle na unti unting nawawalan ng lakas.









"Umuwe kana, kami na bahala sa kanya."
Wika nina kaori, hinde rin umuwe si kaori sa kanila at sasamahan daw si blythe na bantayan hanggang magising sya.
Mag aala ona narin ng umaga, tumawag ako sa bahay kanina na baka malate ako ng uwe.
Si seth ang umuwe kanina dahil wala raw kasama sa bahay nila ang tita nya dahil may importanteng nilakad ang papa nya.





"Napaka impakta talaga ng mga girlfriend nyo, ever?" Si blythe.



"Girlfriend, hinde nga namin sila girlfriend. "
Sagot ni rhys na inis na ata kakaulit sa bagay na iyon.
Kanina pa kasi ipinagpipilitan ng kapatid nya na girlfriend nya si korren.
Pero ang ipinag tataka ko naman bakit niya kami nilahat.

Diba dapat ang kapatid lang nya bakit parang pati kami ni seth kasama sa binanggit niyang NAMIN. nilahat kami.




"Whatever, ikaw naman.?" Baling na tanong nya sa akin.
Pinanlakihan ko lang sya ng mata na nagsasabing " anong ako? "




"Bakit mo ginamit ang kaibigan namin para pagselosin ang mayabang na ella nayon?"




" Ako, ginamit ba kamo? "
Pag ulit ko ng tanong nya?



"alam mo bang pinahiya ng pangit nayon ang kaibigan namin? "Tugon nya. Sinulyapan nya muna si belle na natutulog, malakas talaga magsalita kahit may natutulog na tao.
"Anong alam nya sa pamilya ni belle para magsalita ng ganon?"






"I think magkakilala sila. "Sabat ni rhys sa kabila ng pananahimik nya kanina pa.
Sa kanya nabaling ang atensyon namin lahat sa sinabi nya.



"WHAT? I mean bakit mo naman nasabi?" Blythe




"Hinde palakuwento si belle about personal na buhay nya? "Dagdag rin ni kaori na sinang ayonan naman ni blythe sa ilang pagtango.




Loving you |completedWhere stories live. Discover now