23

150 4 0
                                    










DONNY POV







NAPAPADALAS na ang pagyaya ko kay belle.like sumabay kumain sa canteen, punthan sya sa classroom nya, ihatid sya sa bahay pag magkasabay kami ng labas.
Inuulan na din ako ng tanong ng mga kaibigan ko at alam kung ganon din si belle sa mga kaibigan nya.
Hinde ganon kadali mag confess ng feelings sa isang tao, subrang kinabahan at takot na takot ako ng sabihin ko sa kanyang liligawan ko sya.

Wala sa plano ang manligaw ng ganito kaaga tulad ng sinabi ko na pagkatapos ng laro ay doon ako magtatanung kung puwede manligaw.
Kaso guys napaaga. Basta ko lang nasabi ang salitang puwede ko ba syang ligawan at pinaka malala yong sinabi kong baka maunahan ako.

Subrang kaba ko that time na akala ko irereject nya na ako.

Tulad nalang ngayon, niyaya ko syang kumain naman kami sa labas, magkikita nalang kami doon.
Actually sinabi ko naman na sunduin ko nalang sya sa apartment nya pero sabi nya magkita nalang daw kami doon at may dadaanan pa syang iba.
Ito ang first date namin na kakain kami sa labas.

One week narin pala mula ng mag start akong manligaw sa kanya.
Pinaliwanag ko ng maayos sa mga kaibigan ko lalo na sa pinsan ko. Naiintindihan nila pero kahit sinabi ni mark na ayos lang sa kanya ay alam kung hinde sya okey doon.
Nagkakausap kami pero hinde na tulad dati. Iniiwasan nya ako o di kaya naman pag kaming magbabarkada ay tahimik lang sya.





Papunta na ako sa place na favorate kong kainan at doon ko sya dadalhin.
Hinde ko na sya tinext at baka papunta narin iyon.
Dumaan din ako kanina sa mall, bumili ng flowers. sana magustuhan nya?
Nakangiti lang ako buong beyahe ko.
Wala sa plano ko ang lahat ng ginagawa ko ngayon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumonog ito. "Sino kaya nag text?" Hinde na ako nag abala at dali dali ko itong kinuha at binuksan ang message.
"Anong nangyari sa kanya?"mabilis kung niliko ang sasakyang minamaneho ko pabalik.
Malapit lang ang hospital na pinagdalhan sa kanya kaya hinde ako aabotin ng 30minutes andoon na ako.
Kung magmamaneho ako ng mas mabilis pa ay madali akong makakarating.

Patakbo akong pumasok ng hospital at dumeritso sa 3rd floor. Na text na sa akin nina rhys ang room na kinaroroonan nila ngayon.
Kumatok ako at mabilis naman akong pinag buksan ng pintuan.
Si paulo ang nagbukas ng pinto.

Nakita kong nakahiga si Ella sa hospital bed at may mga nakasabit na kung ano man iyon ay hinde ko alam.
Mahimbing ang tulog nya.
Ang totoo ay nang matanggap ko ang text nina rhys at sinabing nasa hospital si Ella dahil nabangga ang cotseng minamaneho nito habang sinusundan daw nya ang cotse ko kanina.
Nag alala ako sa kanya, kahit papaano kaibigan parin kami. At saka ako pala ang dahilan ng pagkakabangga sa kanya.

Hinde ko sya napansin habang nakasunod sya sa akin. Ang totoo wala rin akong napansin na nabangga sa likod habang nagmamaneho ako.

Hinde naman daw grabe ang nangyari, may mga sugat lang syang natamo pero hinde naman ganon kalala.
Mabuti nalang daw at mabagal ang takbo ng parehong sasakyan.

Pagabi narin pala dahil padilim na sa labas.
Tatlong oras na kami dito sa hospital at hinde parin sya nagigising.
Nag aalala narin ako para kay belle dahil baka hinintay nya ako.
Hinde ko sya natext na hinde ako makakarating dahil ngayon lang din pumasok sa isip ko na magkikita nga pala kami ngayon.
Nawala na talaga sa isip ko dahil sa pag aalala kay ella.

Malakas narin ang buhos ng ulan sa labas.
Kanina ay maganda ang panahon pero bigla ba naman umulan ngayon.
"Sana nakauwe na sya." Sabi ko nalang sa sarili ko. Malakas ang ulan at alam kung nag jejeep lang sya.


Loving you |completedWhere stories live. Discover now