42

169 3 1
                                    













DONNY POV









CONGRATS bro, magpapaalam kana sa buhay binata.”




Nauna akong dumating dito sa venue kung saan idadaos ang kasal mamaya nina rhys at kaori.

Matagal tagal narin sila naghintay na dumating ang araw na ito.

Last year pa sya nag propose kay kaori at ngayon nga ay tuloy tuloy na ang kasal nila.


Wala pa si seth, tiyak nag aayos pa iyon ng gamit ng anak niya.
Natatawa ako sa kanya, kahit iyong dapat na gawain ng isang asawang babae ay ginagawa din niya.


Kahit tuksuhin pa namin ni rhys na subrang under na sya ni blythe hinde parin napipikon.
gusto daw niya ang ginagawa niya.
Gusto daw niyang pagsilbihan ang mag ina niya sa paraang gusto niya.








kaw ba, kilan naman kami aattend ng kasal mo?”
tanong niya na ikina iling ko.



Pag may buhat-buhat kana ring bata tulad ni seth.”


Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

Mula ng maging ama si seth, tuwing labas naming magkakaibigan lage sya ang huling dumarating.
Pag may plano naman kaming puntahan na lugar lage sya ang huling aayon.
Kisyo mag papaalam sa asawa, at madalas sinasabi kaylangan niya magtipid para sa future ng anak niya.




Minsan may kunting inggit ako para sa kaibigan ko.
May mag ina syang uuwean tuwing pagkatapos ng work.
May asawang nag aasekaso sa kanya.
At may anak na nakakapag pangiti sa kanya araw araw.




kilan nga ba?” yan ang madalas na tanong ko sa sarili ko tuwing naiisip ko ang lahat ng iyan.

pag ayos na, pag okey na ang lahat.” madalas na sagot sa lahat ng tanong ko.




ang daming babae na nagkakandarapa para mapansin mo bro,” wika ulit ni rhys.




marami nga sila, pero kahit gaano sila karami iisa lang ang hinahanap ng puso ko.




huwag mo ng hintayn ang taong hinde na babalik kahit kaylan.”

Subrang kirot sa puso ng marinig ko ang sinabi ng kaibigan ko.
Parang libo libong kutsilyo ang sumasaksak dito.
Gusto ko naman mapag isa, gusto ko naman magmukmok sa isang sulok.
Gusto ko naman isigaw at iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.


Pero masayang kaarawan ito ng bestfriend ko. kaylangan andito ako para suportahan sya.




kaylan kaba maghihintay sa kanya?”
Seryoso na tanong niya.
Ngumisi ako, ngising may kirot sa puso ko.





hanggang magbalik sya.”

Basag na ang busis ko ng masabi ko iyon.
Tumulo narin ang luha ko.
Lalaki ako pero umiiyak din kami pag hinde na namin kaya ang sakit.




Miss na miss ko na sya. “miss na miss na kita belle.”






alam mona ba?”

Nagulohan ako sa sinabi niya, anong alam ko?
Tumayo sya at lumapit sa akin.
Tinapik niya ang balikat ko sabay ngumiti.
darating sya ngayon, baka nga nasa airport na sya ngayon.”






Kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Kaba at saya ang naramdaman ko sa sinabi niya.

Tatlong taon, tatlong taon akong naghintay.
Sa tatlong taon na iyon, wala akong hiniling na iba kung hinde ang bumalik sya, bumalik sya kahit walang kasiguradohan ang hinihiling ko.



Hinde ko na hinintay na may sabihin pa sya.
hinde na ako nagpaalam sa kanya.

Alam niya ang gagawin ko at kung saan ako pupunta.
Kung hinde man ako makabalik dito hanggang hinde natatapos ang kasal ang importante dumating namna ako ng maaga at alam niya dahilan ko kung bakit hinde ako nakabalik sa kasal niya.




Masaya ako para sa kanila ni kaori.
At sana ganon din ang mangyari sa akin ngayon.















Mabilis akong nag maneho patungong airport.
Kung totoo man na dumating na sya sa bansa masayang masaya ako.

Naalala ko pa nung mga panahong magpaalam sya.
Sinabi niyang magpapagamot sya sa japan.
Isasama sya ng papa nya.
Masaya ako dahil kahit may iniinda syang sakit nagawa parin niyang magpatawad.

Kahit subrang laki ng pagkakamali ng papa nya dahil sa pag iwan sa kanila nagawa parin niyang magpatawad.






Gusto ko syang samahan sa japan tulad ng ipinangako ko sa kanya pero ipinilit niyang huwag na at malapit na akong gumraduate non.


Mahirap sa umpisa, malayo sya at wala ako sa tabi niya para pagaanin ang loob niya tuwing pinanghihinaan sya.
Okey naman ang komunikasyon namin.
Nag uusap palage, sa tawag at video call.



Hanggang sa malapit na graduation namin, ilang araw na.
bigla syang nag iba, pakiramdam ko lumalayo sya.
Kung nung una palage syang tumatawg kahit na alam niyang busy ako sa pag review, kinukulit ako palage.


Lahat ng nakasanayan ko, lahat ng mga ginagawa nya nung una, lahat ng iyon nag bago.

Madalas pa sa madalas syang mag reply sa mga chat ko.
Hinde rin niya sinasagot mga tawag ko.
Dahil malapit na graduation ko mas natuon ang utak ko sa pagaaral.

Pagka graduate ko, kinabukasan lumipad na ako patungong japan.

Subrang miss ko sya kaya sa address na binigay ng kapatid niya na si bryan doon na ako dumiretso.








Ilang bisis akong nagpabalik balik sa mansyon nila pero iisa lang lage ang sinasabi bawat nakakausap ko. “ayaw ka daw niyang makita”

Subrang sakit para sa akin.
Anong nangyari, anong nagawa ko?
Subrang daming pumapasok sa utak ko ng mga panahon na'yon.



Tumira pa ako doon ng tatlong buwan, umuwe ako ng pilipinas sa pag pipilit sa akin ni mommy.
Tanggapin ko na daw na ayaw na niya akong makita.


Naka graduate ako, ang inaasahan sa akin ni daddy ako ang hahawak sa kompanya nya.
Ako ang magpapatakbo sa ilang negosyo niya.

Pero kabaliktaran ang nangyari.
Sabi nga ni mommy sa akin. ginawa ko daw meserable ang buhay ko, ginagawa ko daw kaawa-awa ang sarili ko dahil lang sa isang babae.




Hinde nila naiintindihan ang nararamdaman ko kaya ganon nalang sila magsalita sakin.
Ang mga kaibigan ko, mga kaibigan ni belle.
lahat sila pinagagalitan ako.



Dumating din ako sa punto na nagawa kung i bangga ang cotse ko.
hinde ko nga alam kung paano pa ako nabuhay sa ginawa ko.
Nakikita ko noon ang paghihirap ni mommy, ang sakit na dinadala niya dahil sa pagsira ko ng buhay ko.



After makalabas ako ng hospital, ilang months narin iyon.
bumalik ulit ako sa japan.
Tulad ng ginawa ko nung una, araw araw akong pumupunta sa bahay nila.
Araw araw akong nagmumukhang tanga na magpapakita sya sa akin.





Loving you |completedWhere stories live. Discover now