18

198 4 1
                                    




DONNY POV





TATLONG araw na ang nakalilipas mag mula ng magkausap kami ni belle at kumain sa canteen ng kami lang dalawa.
Ang dami kong kahihiyang nagawa ng araw na iyon.
Hinde ko kasi aakalain na marunong din pala sya magbiro ng mga ganon.
Dalawang araw nalang game na namin.

Pagkatapos ng game namin ay pormal ko nang tatanungin si belle kung puwede ba akong manligaw sa kanya.
Matagal kong pinag isipan ang bagay na ito. Nong una hinde ko maamin sa sarili ko na nagkakagusto na pala ako sa kanya.
Pero mag mula ng mangyari ang mga kahihiyang inabot ko sa pang jojoke time nya sa akin ay doon ko talaga nasabi sa sarili ko na gusto ko sya.

Alam kung pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko, o baka nga si belle pa ang pinaka malakas tumawa pag inamin ko.
Kung hinde sya papayag ayos lang. Kung pumayag mas masaya.
Gusto ko lang naman sya at hinde lalagpas doon.
Gusto kong sundin ang sinasabi ng isip ko. Mababaliw ata ako pag hinde ko pinagbigyan.
Sana lang hinde dumagdag itong puso ko.
Tama lang na humahanga lang ako sa kanya.
Hanggagng doon muna ngayon.



"Anong plano mo ngayon?"tanong ni rhys kay mark habang andito kami sa basketball court.
Pinag uusapan nila ang tungkol sa balak na panliligaw ng pinsan ko kay belle.
Hinde panga sya nagsisimula badtrip na dahil sa sumingit na INTERNATIONAL BAND na iyon.
Ano nga naman laban nya sa guwapo at sikat na banda.dagdag mopa na kababata nya pala at subrang close sila.

Alam kung malalim na ang nararamdaman ng pinsan ko kumpara sa akin. Kung sakaling basted ako okey lang sa akin.pero pag si mark ata ang mabasted nya iwan ko nalang kung pumasok ng isang linggo sa mga subject nya.

Unfair para sa pinsan ko ang binabalak kung pag amin kay belle lalo na alam kung gustong gusto nya. Mag tatry lang naman ako at para pagbigyan lang ang pesting sinasabi ng utak ko.

"Sabi naman ni blythe matalik na kaibigan lang nya si Paulo, hinde sya nililigawan?" Sabi ni mark. Nakikinig lang ako sa isang tabi kung ano pang impormasyon ang nakalap ng magaling kung pinsan.

"Kaibigan nga pero may gusto sya kay belle at sa kuwento ni ella mukhang may balak talaga" dagdag naman ni seth. Lahat sila sumang ayon sa sinabi ni seth dahil ayon nga sa kuwento ni ella ay walang imposebling may balak syang magtapat ng nararamdaman lalo pa at bumalik sa pilipinas dahil kay belle.

Nagpakawala ng napaka lalim na buntong hininga si mark kasabay ng pag alis nya.
Iniwan kami dito at siguradong gusto nya mapag isa kaya hinde na namin sinubukan tanungin.

"Ikaw naman jan?" Sabay silang nilingun ako.tinaasan ko sila ng isang kilay sinyalis ng pagsasabing " anong ako?"
Bakit ako napasok sa usapan nila?
" Anong ibigsabihin ng nakita namin sa canteen nung last-last yesterday?"nanunukso pang tanong ni seth. Pati si rhys ng tingnan ko ay ganun din ang ekpresyon ng tingin nya sa akin.

Nakita naman pala kami sa canteen bakit hinde sila lumapit."may nasabi lang ako sa kanyang hinde maganda kaya bumawe ako" depensa ko sa sarili ko, iyon naman ang totoo.niyaya ko syang kumain sa canteen dahil sa nasabi kong hinde maganda.

"Bakit ka pumunta sa vallyball court,hinde ka naman naliligaw doon dati-dati pa?" Rhys ask.
Ano bang pinapalabas nila.para silang detective kung makatanong sa akin ngayon.
Parang napakalaking krimin sa kanila ang ginawa ko.

"Hoy kayo, napadaan lang ako doon at sakto may nag papractise kaya nanood na ako" sabi ko pa with may pa turo turo pa sa kanila para tumigil na sila.
"OK" sabay na sagot nila sa akin.









































Loving you |completedWhere stories live. Discover now