44 A happy ending

403 9 0
                                    














DONNY POV








Naghanda ako ng maraming pagkain para paggising niya makakain agad sya.
ilang oras na syang natutulog.
Pinaalam ko narin sa pamilya niya na nasa bahay ko sya.
Gulat na gulat sila ng ikuwento ko na sya mismo ang nagpunta dito at hinde ko sya nahanap. tinawagan lang ako ni manang na may isang babaeng dumating dito na sinasabing dito ang punta niya.


Ang mga kaibigan narin niya ay tinawagan konarin dahil tiyak alam na nilang nawawala si belle at baka nag aalala narin sila.
Bukas daw sila dadalaw dito.
Ang parents naman ni belle ay sinabi na kung gusto niyang dito matulog ngayong gabi ay hinde na nila ipapasundo.
bukas na rin daw sila pupunta dito.




Inihanda na namin ni manang ang lahat ng niluto namin. mga paborito niya at mga gustong gusto niyang kinakain ang mga inihanda ko.
Sina mommy at daddy naman ay kahit papaano ay masaya sila at sa unang pagkakataon ngumiti daw ako tulad nang dati.

Wala na daw ang lungkot sa mga mata ko, ang tanging nakikita ni mommy ay ang pananabik at subrang saya sa mga ngiti ko.



Tulog parin sya ng pumasok ulit ako ng kuwarto.
Nakaka limang oras na syang natutulog.
Mukha naman maganda ang pakiramdam niya dahil maaliwalas ang mukha niyang nakapikit parin.


Sa paghihintay at pagtitig ko sa kanya habang tulog sya ay hinde ko namalayang nakatulog rin pala ako.

Nagmulat ako ng mga mata dahil naramdaman kung parang may nakahawak sa mga kamay ko.
Isang napaka gandang ngiti ang bumungad sa akin.
Nakangiti sya sa akin.
Hawak niya ang kamay ko.
Gusto kong isiping baka nananaginip lang ako.

"ayos ka lang ba, nakatulog ka kasi ng nakaupo lang?"

tanong ni belle sa akin.
Masayang masaya ako, naririnig ko na ngayon ang busis niya.
Nasa tabi kona ulit sya, nakikipag usap sa akin at nakatingin sa mga mata ko.




"nakatulog kaba ng mahimbing?"

balik na tanong kodin sa kanya.
tumango lang sya.
Umayos ako ng upo at inalalayan syang umayos din ng upo.





"isang oras na kitang pinagmamasdan habang tulog ka."

nagulat ako sa sinabi niya.
Kanina pa pala sya gising pero hinde ko man lang naramdaman.





"bakit hinde mo'ko ginising?"



"gustong gusto ko titigan kapa eh, baka paggising mo mawala kana sa paningin ko."

Hinde ko alam ang ibig niyang sabihin, ako ang dapat na nagsasabi niyan
Baka paggising niya ako ang iwan ulit niya. baka ulitin ulit niya ang ginawa nya noon.



"natatandaan mo ba ako?"


Pautal utal na tanong ko,masakit man ang magiging sagot niya pero handa akong tanggapin kung anoman iyon.



Pero ilang ulit syang tumango. Ilang ulit niyang ginawa ko iyon. kung ganoon natatandaan niya ako.


"hinde kita kilala pero ito_"
sabay na turo sa bandang puso niya "kilalang kilala ka nya."




"pansamantala daw akong hinde makakaalala sabi ng doctor ko."sya





"ilang araw palang nung magising ako bago ako operahan. Isang pangalan lang ang naaalala ko"






Nakatitig lang ako sa kanya, nakatitig at nakikinig sa bawat sinasabi niya.





"Diba ikaw si donny, ang mahal nito?"

Muli ay itinuro ang bandang puso niya
Tumulo ang luha ko sa subrang saya.

Hinde man niya ako maalala pero naaalala naman ako ng puso niya.
Sapat na iyon at napakalaking bagay na iyon sa akin. Hinde niya ako nakalimutan.
Nakalimut man ang utak niya pero hinde ang puso niya.














Sa araw araw na dumaraan, sa araw araw na lumilipas, ginagawa kong special para sa kanya.
Nakalimutan man niya ang nakaraan namin noon. gagawa ulit kami ng panibaging masasayang araw.

Kakalimutan ang masasakit na pinag daanan at papalitan ng masasayang alaala.
























































"DADDY gusto ko ng masarap na chicken."






"tutubuan kana anak ng pakpak sa pagkahilig mo ng manok?"






"isasakay ko kayo ni mommy para lumipad tayo pataas"




Sabay kaming natawa ni belle sa sinabi ni belinda.
Ang nag iisang prinsesa namin ng pinaka mamahal kung asawa.


Apat na taon na kaming mag asawa ni belle. Tatlong taon na si belinda sa taon na ito.

Ang mga pangarap ko noon. Ang pagkainggit ko kay seth dati ay nangyayari narin sa akin ngayon.




Marami mang pagsubok ang pinagdaanan para humantong sa ganitong kasaya ay nagpapasalamat parin ako at hinde ako pinaghinaan ng loob noon.
Hinde ako sumoko sa paghihintay sa kaniya hanggang sa pagbabalik niya.



At ngayon nga, may pamilya na kami, masaya ang lahat at buo parin kaming magkakaibigan.
May kanya kanya mang pamilya ay hinde nagbabago ang pagkakaibigan namin.



Sa buhay, sa lahat ng pagsubok na dumarating at darating pa, sa pagsubok na tinahak ko noon isa lang ang natutunan ko.
ANG HUWAG SUMUKO AT MAWALAN NG PAG-ASA.
magpatuloy lang sa buhay kahit gaano kahirap, hilingin sa diyos ang dasal mo at matiyaga kalang maghintay, walang imposeble para kay GOD.















_______________END________________












AUTHOR


Thank you po sa lahat ng sumubaybay sa LOVING YOU.

Muli po tayo magkikita kita sa next story. Godbless sa lahat... Muahh

Loving you |completedWhere stories live. Discover now