24

175 5 2
                                    







PAULO POV




"Ayos na ba talaga pakiramdam mo?"
i said
"ayos naman sa akin kung mag istay kapa ng ilang days dito sa bahay,para narin may mag alaga sayo."


Maaga ako nagising ngayon, nag luto ako ng masasarap na pagkaing paborito lahat ni belle.
Gusto ko lumakas na sya agad, subrang nag alala ako s akanya kahapon.
Pinag sasabihan kona nga ngayon na baka puwede pahinga muna sya ng ilang days para masiguradong ayos na sya.
Matigas ang ulo at ayaw magpapigil na pumasok sa school ngayon.


Tungkol pala sa mainit na pag uusap namin ni donny kahapon. Hinde ko napigilan ang sarili kong suntokin sya.
Nagpipigil lang ako that time dahil mas malala pa ang magagawa ko sa ginawa nyang hinde pagsipot sa usapan nila ni belle.

Tama lang ang ginawa ko, tama lang din ang mga sinabi ko sa kanya.
Wala akong karapatan kung sino man ang gustong mapalapit kay belle,pero hinde ko kayang may mangyaring masama sa kanya.
Kaya ko syang ilayo sa mga taong mapapahamak lang sya.



"Malalim ata iniisip mo?"
Nabalik ang ulirat ko ng mapansin ni belle ang pananahimik ko.
Kahapon habang nasa hospital ako dahil nahospital si Ella. Nabangga ang sasakyan nya pero hinde naman malala ang nagyari sa kanya.

At iyon nga habang nag uusap usap kami kasama ang barkada ni donny dahil napadalaw din sila. tinawagan ako ng isa kong kaibigan.
Nasa coffe shop sya ng tumawag at sinabing nakita nya si belle. mag isa at mukha daw may hinihintay.hinde naman daw sya tatawag pero nag alala daw dahil nasa labas ito at malakas ang ulan.
Inalok daw nyang pumasok muna at sa loob na maghintay pero tumanggi sya.


Hinde ko alam pero malakas ang hinala ko ng mga oras na iyon na si donny ang hinihintay nya.
Nasabi na sa akin ni ella na official na syang nililigawan ni donny.
Pinuntahan ko sya agad doon.
Kung hinde ako dumating, at kung nahuli ako ng dating hinde ko alam kung anong mangyayari sa kanya.
Baka nga kung mas malala ang nangyari sa kanya ay hinde ko na mapipigilan ang sarili ko at hinde lang suntok ang magagawa ko kay donny.


Magkasabay na kaming pumasok sa school at may gagawin din nman ako sa opisina ko kaya dumaan na ako.
Kahit ako na ang nagpapatakbo ng school ay hinde na bago sa mga mata ng studyante o kahit pa ng mga guro na makita kaming magkasama ni belle.
Alam na nila na matalik kaming magkaibigan mula pagkabata.


Hinatid ko narin sya hanggang room niya.
Pinaalala ko narin sa kanya na huwag nyang kakalimutan inomin ang gamot nya.
Hinde ko na sya masasamahan mamaya dahil may importante pa akong meating mamaya.

Baka punthan ko nalang sya sa bahay nya mamayang gabi at yayain ko narin syang kumain sa labas.
Matagal tagal narin nong huli kaming lumabas na kaming dalawa lang.


Nagbabalak narin akong magtapat ng feelings ko para sa kanya.
Noon ko pa dapat ito ginawa pero natakot ako at pinangunahan ng kaba. mas pinapahalagahan ko noon ang friendship namin kisa sa nararamdaman ko.
May lakas na loob na akong magsabi ng nararamdaman ko ngayon.
Alam kung puwedeng maapektohan ang relationship namin bilang mag kaibigan ,pero hinde ko kayang panoorin lang syang pinapasaya ng iba na dapat ako ang gumagawa.
Selfish man ako sa ginagawa ko pero ako lang dapat ang magpapasaya sa kanya.

Ako ang totoong nag aalala sa kanya, ako ang lageng anjan para sa kanya. Ako ang totoong nag mamahal sa kanya.








"Ilayo muna sya,hinde ba't matagal ka ng may gusto sa kanya?" Wika ni ella.

Dinalaw ko sya dahil wala naman dito sa pilipinas ang mga parents nya at ako lang ang malapit na kamag anak nya dito sa maynila, sa probinsya ang iba nilang malalapit na kamag anak.at isa pa hinde naman malala ang nangyari kaya kami kami lang ang nakakaalam na nahospital sya.
Hinde rin niya pinauwe ang parents nya at sinabi sa kanila na nakalabas na sya ng hospital kahit hinde pa naman.

Kahit hinde nya sinasabi sa akin ang dahilan nya kung bakit sya nag sinungaling sa parents nya ay alam kung ginawa lang nya iyon para hinde umuwe dito sina tito, alam nyang pag umuwe sila ay magkikita sila ni belle l, at iyon ang ayaw niyang mangyari.


"Sya ang dahilan kung bakit ayaw akong balikan ni donny,kaya ilayo muna ang babaeng iyon!!"
Galit na wika pa nya. kung ganon lang kasimpleng gawin ang ilayo sya ay matagal ko ng ginawa iyon.

Sana noong una palang pagbalik ko dito ay ginawa kona.kaso hinde ganon kadali.
Hinde ko kontrolado ang isip ni belle, at mas lalong hinde ko alam ang laman ng puso niya.


Kung sa una palang ay nagtapat na ako ng nararamdaman ko sa kanya,baka may chance pa na maging akin sya.
Pero sa palagay ko ngayon mahihirapan akong gawin iyon ngayon.
Hinde man sabihin ni belle alam kung may nararamdaman na sya para kay donny.
At iyon ang masakit na katotohanan.








Kahit wala kaming usapan ni belle na susundoin ko sya ay ginawa ko parin.
Mas inagahan ko ang pagpunta ko at inabangan ko sya sa labas ng classroom nya.
Hinde ko na sinabi sa kanya pero alam naman nya dahil nakikita nya ako dito na naghihintay.
Alam nyang sya ang hinihintay ko.
After 20mns ay natapos narin sila.



"Anong meron?" Si blythe "Mukhang alagang alaga ka talaga ng BESTFRIEND mo?" Dagdag niya.
Hinde nakaligtas sa akin ang huling sinabi ni blythe. Inimpasize talaga niya ang salitang bestfiend.


"Ihahatid na kita." Wika ko at umaktong wala lang sa akin ang sinabi ni blythe.



"Hinde na paulo, may dadaan pa kasi ako sa library eh."
May kunting hiya akong naramdaman sa pagtanggi nya sa alok ko.

Nag panggap akong ayos lang at umalis narin agad. Sinabi kong napadaan lang talaga ako doon at naisipang uuwe din naman ako ay isasabay ko nalang sya.
Kahit ang totoo ay sya ang ipinuntako at binalikan kopa sya dito galing hospital para lang makasama kahit sandali.




Napag isip isip ko narin ang sinabi sa akin ni ella..
Kung ilalayo ko sya at dadalhin sa lugar na malayo kay donny baka sakaling bumalik kami sa dati. Baka sakaling maibalik pa kung anoman kami dati.

Napapansin kong hinde na sya ganuon ka close sa akin. Kung dati nang dumating ako pag tinatawagan ko at sinabing magkita kami o ako na ang maghahatid sundo sa kanya hinde sya tumatanggi.
Lage nya ako dinadalaw sa opisina kahit wala syang sasabihin.
Pero mula ng ligawan sya officially ni donny ay nag iba na sya.

Nagagawa na nya akong tanggihan, hinde na sya madalas dumalaw sa akin.
At hinde narin sya nagpapahatid sa akin.

Kung pipilitin kung syang magpunta ng america baka makalimutan din nya.
Ako ang makakasama niya araw araw, ako ang magpaparamdam sa kanya na hinde sya iiwan.

Buo na ang pasya ko, pipilitin ko syang sumama sa akin, kung ayaw nya sa japan dahil sa papa nya kahit saan pang bansa nya gugustuhin, dadalhin ko sya doon.










Loving you |completedWhere stories live. Discover now