33

164 5 1
                                    











KAORI POV











PAPAANO ko sasabihin kay blythe ang lahat ng nangyayari sa pagitan namin ng kuya nya.
iniisip ko palang na mag tatapat ako sa kanya nauunahan na ako ng takot.
baka magalit sya sa akin, matagal na niya akong pinag sasabihan na lumayo sa kuya niya dahil ayaw niya akong matulad sa mga babae na pinaasa at sinaktan lang niya.
ayaw niyang masaktan ako at ang dahilan non ay ang kuya niya.


Ang tagal kung umasa din na mapansin ako ni rhys, kahit na paglaruan o laro lang okey lang sa akin basta maging boyfriend at girlfriend kami.
Pero ngayong nagkatotoo na ang wish ko noon ang sakit pala isipin na naging kayo ng taong mahal mo pero one sided naman.

Pero ito ang gusto ko noon pa, hinde na mahalaga kung ako lang ang nagmamahal sa amin dalawa. saka kona iisipin ang sakit na pagdadaanan ko pag nakipag break na sya.
Gusto ko maranasan ngayon ang mga pinapangarap ko noon na kasama sya.



Ang poproblimahin ko ngayon ay ang kapatid niya, magagalit sya, magtatampo at hinde imposebling hinde ako kausapin.
pero hinde naman ako ganon kabilis sumuko pagdating sa friendship namin dalawa.
maiintindihan at maiintindihan din ako pag nag explain na ako.


















back to school na kami at marami na ang nakatambak na project dagdag mopa ang nalalapit naming exam.
Escuse na si belle sa mga profesor namin at lahat naman sila kinukumusta sya at kasama raw sa mga dasal nila na sana magising na sya.



Ano nga ba yong sasabihin mo sakin kanina?”kumabog bigla dibdib ko.
Tenext ko kasi sya na may sasabihin ako sa kanya pag nagkita na kami dito school.
Iwan koba kung ito naba yong oras para magtapat na ako sa kanya.
Nagkita kami kahapon ni rhys at sinabi ko sa kanya na ipapaalam ko sa kapatid nya para hinde siya mabigla kung sa iba pa nya malalaman.

pumayag naman sya at sinabing sya na ang magsasabi sa kanya pero gusto ko ako ang magsabi dahil ayaw ko magtalo pa sila dahil sa akin.



ah_ mamaya sa lunch break natin sasabihin kona sayo. ”

“ngayon na, baka hinde kita masamahan mamaya niyaya ako ni ricci na lumabas mamaya eh, ”wika niya.
sya bayong mayabang na kinukuwento ni rhys.

Nasabi na saamin ni blythe na nanliligaw ulit ito at wala pa muna daw syang balak ipaalam sa kuya niya.

Hinde ko alam kung dapat bang manghimasok ako sa knila magkapatid pag sinabi ko sa kuya niya pero mas lalo syang magagalit sa akin pag ginawa ko iyon.

At mas kinakatakot ko ay ang malaman ni blythe na kami na ng kuya niya.



niyaya ka ng date? ”


“hinde, friend date parang ganun, ”




Magkaiba kami ng subject ni blythe ng umagang iyon, sinabi narin niya na hinde kami magkakasabay mamaya sa canteen kaya mauna na daw ako mag lunch.

Wala naman akong ibang ka close dito bukod kina blythe at belle kaya mag isa nalang akong nagpunta ng canteen.
gusto ko sana tanungin si rhys kong kasabay niya ang mga barkada niya pero nahihiya ako.

hinde ko pa alam kung nasabi na niya sa tropa niya ana kami na kaya hinde ko dapat sya pang unahan.
pinag isipan kona ang relasyon namin.
pumapayag akong itago ang relasyon namin kung iyon ang gusto nya.
Ayuko syang pilitin na i public kami lalo na ang ako lang naman ang may totoong nararamdaman sa aming dalawa.

Loving you |completedWhere stories live. Discover now