43

198 4 1
                                    











DONNY POV








Sa  mga araw, linggo, buwan, at taon na dumaan hinde parin sya nagpapakita sa akin.

Inisip ko nalang na kinalimutan na niya ako.
Itinuon ko ang oras ko sa negosyo ni daddy. nagpaka busy sa trabaho para makalimut.

Nung ikinasal sina seth at blythe, ang buong akala ko darating sya, makikita ko sya, pero walang belle na dumalo.
Bestfriend niya ang ikinasal pero hinde rin sya nagpakita.



Nung sumonod na taon inuwe ang kapatid niya na si ella dito sa pilipinas.
Malubha ang karamdaman at hiniling niya na dito magstay sa huling natitira niyang mga araw sa mundo.

Nakakagulat ng malaman namin ang kalagayan ni ella.
Ilang linggo palang sya dito sa pilipinas ay binawean ng buhay.
Nagsiuwean ang mga magulang niya at mga kamag anak para makilamay.
Araw araw akong pumupunta sa bahay nila upang magbakasakali na andoon sya.
hanggang sa nilibing na ang kapatid niya ay hinde parin sya nagpakita doon.



Tinanong kona ang papa at iba pa tungkol sa kaniya pero ayaw nila ako sagutin.
Nag mukha akong kawawa sa harap nilang lahat.
Nagmakaawa na sabihin nila sa akin ang totoo.









At heto na nga, heto nanga ang matagal ko ng pinaka hihintay, ang pagbabalik niya.

Mahirapan, itakuwil at hinde man ako kilalanin, gagawin ko ang lahat para bumalik sya sa akin.



Kalahating oras na daw nang lumapad ang eroplano galing japan, sabi ng pinag tanungan ko.
Hinanap ko parin sya sa buong airport.
Tinawagan kona ang mga kaibigan ko kung andoon ba sya sa kasalan dahil tiyak pupunt sya doon.

tinanong kona pati mga kaibigan niya kung may alam sila kung saan sya dumireso na bahay o condo pagdating dito sa maynila.
Wala daw silang alam lahat.





Hinde ko matawagan ang number niya dahil tiyak nagpalit na iyon dati pa.
Mabilis kung hinanap ang number ni bryan. tiyak ang kapatid niya alàm niya dahil sa kanila ito unang magpapakita.




[“hellow bryan, puwed_ ANO?”]

Hinde ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni bryan.

Ayon sa kanya nawawala daw si belle.
Pagkadating daw nila sa bahay galing airport ay pinag pahinga nila sa kuwarto dahil baka pagod ito sa byahe.


At nung pagdalhan sya ng mama nya ng pagkain ay wala ito sa kuwarto niya.
Hinanap na nila sa buong mansyon. pati sa labas pero wala daw ito.


Hinde ko naman matawagan ang mga kaibigan niya dahil tyak mag aalala ang mga iyon at nasa kasalan pa sila.


Hinde ko alam kung saan ako unang mag hahanap. Litong lito na ako at nag aalala para sa kanya.


[“hinde niya alam ang lugar na ito kuya donny.”] naguluhan ako sa sinabi ni bryan.

Paano hinde niya alam ang lugar.




[“wala syang maalala, kakalabas niya lang galing hospital nong nakaraang buwan,ayon sa doctor hinde sya makaalala pansamantala dahil sa malalang nangyari sa kanya.
Naging matagumpay ang operasyon pero may ilang bahagi ng nakaraan niya ang hinde niya maalala”]



Nakatayo lang ako, hinde ako makagalaw o makapag isip ng isasagot sa kanya dahil sa mga sinabi nya.




[“tulongan mo kami mahanap si ate, kuya donny”]


Hanggang mag end ang call ay hinde ko parin maigalaw ang katawan ko sa gulat.
Saan sya pumunta. Kung wala syang maalala, hinde niya alam ang pupuntahan nya.


Dumuble ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Ayaw kong may masamang mangyari pa sa kanya ngayon.
Hahanapin ko sya kahit saan.
Hinde ako titigil hanggat hinde sya nakikita.

Ang tanong,“saan ako maghahanap?”


Nagmaneho ako na parang ligaw na pusa, hinde alam ang pupuntahan pero patuloy parin sa paghahanap.


[“hellow_”]


[“sir donny may dumating pong babae dito sa bahay”] si yaya.



[“ ayaw po niya magsalita, hinde daw po niya alam ang pangalan niya.pinapasok ko po dahil sabi niya dito ang punta niya.]



May mas mahalaga akong hahanapin, may mga guwardya naman sa bahay kung sakaling may masamang balak kung sino man ang babae na iyon.


Binaba kona ang tawag at sinabing hinatyn sina mommy bago paalisin.

Nangangalahating oras na ako sa pag hahanap.
Tinitingnan ko bawat daan kung nandoon sya. Mabagal din ang pagpapatakbo ko ng sasakyan.



babae,hinde alam niya alam ang pangalan niya”
Mabilis pa sa mabilis na niliko ko ang sasakyan ko papunta sa amin.



Hinde ako puwede magkamali.
Sinabi ni bryan na hinde sya makaalala.
Ang babae ngayon sa bahay ay hinde niya alam ang pangalan niya pero sinabing doon talaga ang punta niya.




Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong pumasok at dumiretso sa sala.
Hinanap ng mata ko ang babaeng sinasabi ni yaya.

Tanging ang isang basong juice ang nadatnan ko sa sala na hinde pa ito nababawasan.




MANANG,manang saan po yong sinabi nyong babae?”


Makikita sa mukha niya ang takot, hinde sya makapagsalita dahil natatakot.






pinipigilan ko pong huwag pumasok sa kuwarto nyo at baka pagalitan nyo kami pagdating nyo, pero pinipilit niyang papasokin ko sya. ”





Nagmamadali akong pumanhik sa taas at tinungo ang kuwarto ko.
Kinakabahan ako ng dahan dahan kong binubuksan ang pinto.




Isang babaeng nakatalikod na nakahiga sa kama ko. dahan dahan din ako lumapit para tingnan ang mukha niya.




Tumulo ang luha ko ng makita kong mahimbing na natutulog ang babaeng matagal ko ng hinihintay.
Ang babaeng mahal na mahal ko parin sa kabila ng pagtaboy at paglimot sa akin.
Ang babaeng araw-araw kung hinihiling sa diyos na makita ko.





At heto nanga, nakahiga at natutulog sa kama ko.
Subrang saya ko, nag uumapaw, walang kaba, walang takot, walang tampo, walang galit sa puso ko.
Ang tanging sinisigaw lang nito ay ang pasasalamat sa panginoon na tinulad niya ang kahilingan ko.






Kumuha ako ng kumot sa cabinet at kinumutan sya.
hinde ko hahayaang magising sya dahil ang himbing ng pagkakatulog niya.
Siguro nga pagod na pagod na ito.
Umupo ako sa tabi niya at pinag masdan ang mukha niya.


Tatlong taon ko ng hinde nakita ang mukha niya, tatlong taon akong nangulila sa kanya.









Loving you |completedWhere stories live. Discover now