prologue

6.5K 136 29
                                    

"Hi Cas"

May bumati sakin na isang pamilyar na Boses habang ako ay nakatalikod Kaya tiningnan ko kung sino ito at sa laking gulat ko ay si Fritz pala.

"Ikaw pala Fritz, hello!" Bati ko sa kanya pabalik ng maka bawi na ako sa gulat sa kanya.

"Yeah it's me, kala mo siguro kung sino no." Sabi nya sabay tawa pa.

"Loko! Hindi naman nagulat lang ako akala ko kung sino ang bumati sakin."

"Well it's me. Anyways, how are you?"

"I'm fine I guess, you?"

"I'm good"

Nag tagal Ang pag uusap namin ni Fritz at nag kwentuhan narin sa kung ano Ang buhay namin pagkatapos ng nangyari limang taong Ang nakaraan.

Na kwento din sakin ni Fritz na isa na syang engineer at CEO ngayon sa kanilang kompanya Kaya laking tuwa ko sa kanya at binati sya kahit huli na.

"Andito kalang pala Cas kanina pa Kita hinahanap" Sabi ng babaeng sa tabi ko na nag alala pa Ang mukha.

Gusto Kong matawa sa mukha nya dahil nag alala siguro ito sakin dahil Hindi nya ako makita pero pinigilan ko nalang na Hindi matawa Kasi baka magtampo pato sakin.

"Bakit?"

"Nothing, I'm just looking to you. Akala ko nauna kana umuwi." Sabi Naman nya atsaka tiningnan Ang katabi ko habang nakataas pa ang kilay na nakatingin din pala samin.

Snob talaga nito palagi.

"Anyway, Hazel this is Fritz. Fritz this is hazel my friend" pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi Hazel, nice meeting you. I'm fritz Sandoval." Pakilala no Fritz sa sarili nya at nag offer ng shake hands.

Tinaasan Naman sya ni Hazel ng kilay bago tinanggap Ang pakikipag kamay nito.

"Hazel Mariano, nice meeting you too" pakilala rin ni Hazel atsaka tinanggap Ang shake hands ni Fritz.

I smell something fishy. Charot! Baka bigwasan ako ng isa nato mamaya.

"I'm just looking around then nag hi sakin si Fritz Kaya nag usap muna kami saglit." Kwento ko Kay Hazel ng paulanan nya ako ng tanong Kung bakit bigla akong nawala.

I and Hazel friendship are almost five years narin Kaya alam nya lahat Ang ng  tungkol sakin at tungkol sa nangyari five years ago. Alam nya rin Ang tungkol sa buhay ko at Ang past ko Kaya Hindi na ako nag tataka ngayon kung bakit nag aalala ito at pinapaulanan ako ng tanong. Napag alaman din namin Kasi na andito rin ang ama ng anak ko Kaya mas Lalo syang nag alala sakin kanina na Hindi ako Makita.

Huli ko na nalaman na pupunta rin pala dito si Kurt sa birthday ng boss namin. Kung nalaman ko lang Sana ng maaga hindi na ako pumunta at nag excuse nalang Kay Sir Sabando na masama Ang pakiramdam ko.

"Okay. Anyway what time were going home?" Tanong nya sakin ng makabalik na ako sa inuupuan namin.

"Maybe later kahit hindi na natin patapusin Ang party baka Kasi hinahanap na ako ng anak ko." Sabi ko Kay Hazel habang tumitingin sa gitna na may mga sumasayaw na matatanda at Hindi katandaan rin.

Iniwan ko lang Ang anak ko ngayon sa kanyang nanny Kaya nag alala ako sa kanya ngayon Kasi baka Hindi nanaman iyon makatulog at hinihintay at hinahanap nanaman ako gaya Ang nangyari Nung huli na may pinuntahan ako na Gabi narin nakauwi.

"Yeah me too. Mag sisimba din ako ng maaga bukas Kaya kailangan nga natin umuwi ng maaga." Sabi Naman nya habang tinutusok Ang kinakain nyang karne na animo'y bored na sa buhay.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon