chapter 12

1.7K 50 1
                                    

Kasalukuyan akong naghihintay Kay Kurt ngayon sa parking lot. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinext na andito na ako pero hindi naman siya nag rereply sakin.

Baka may ginawa pa. Tama baka may ginagawa pa nga.

Andito pa naman ang kotse niya kaya huwag na siguro akong mabahala na umalis na kasi siya mismo nag sabi na ihahatid niya ako pauwi.

Kapag hindi pa siya dumating ng ilang oras pa, uuwi nalang ako at mag taxi nalang.

Ayaw ko sa lahat yung pinaghihintay ako pero kong si Kurt the handsome architect lang naman, why not? Joke! Pero kanina pa ako naiinis kakahintay sa kanya. Kanina pa ako nilalantakan ng lamok dito.

Ngawit na ngawit na ako dito kakatayo kakahintay sa kanya pero wala parin siya, gusto ko nang umuwi.

Kanina pa ako lakad dito lakad doon. Wala na masyadong kotse ngayon sa parking lot dahil umuwi na ang iba. Iilan nalang ang mga kotse dito.

Habang naglalakad ako ay may bigla akong nakita na sobrang bilis ng takbo nito at huli ko na namalayan na papunta siya sa direksyon ko kaya huli na ako naka iwas o naka takbo paalis sa kinatatayuan ko.

Ramdam na ramdam ko kung pano bumagsak ang katawan ko sa semento, at ang pag sakit ng katawan ko.

Huminto pa muna ang kotse ng malampasan niya ako pero hindi niya ako binalikan.

Napangiti nalang ako sa isip ko nang makilala kong sino iyon.

What did I do to you?

Unti unti ko ng pinipikit ang mga mata ko, ramdam na ramdam ko na ang sakit ng  katawan ko pero bago ko naipikit ang mga mata ko ay may bigla akong narinig na boses na kanina ko pa hinihintay pero ngayon lang dumating kong kailan may nangyari na sakin.

Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Mga gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko na mabuka ang mga labi ko para mag salita.

"Hey! Hey! Hey! Wake up, Cas!" Sigaw nag lalaki na kanina ko pa hinihintay.

"S-saan k-ka g-g-galing k----" gusto ko pa sana siyang tanongin kaso hindi ko na talaga Kaya mag salita.

"Shh, don't talk first, Please?? I'll tell you later." Sabi naman niya saka ako binuhat at dinala sa kotse niya. "Dadalhin na Kita sa hospital." Sabi naman niya nang maipasok na niya ako sa kotse niya at nakapasok narin siya para mag drive.

"Fuck! Who the hell did this?"

Nakailang mura pa siya bago kami makarating sa hospital na sinasabi niya.

Nang makarating na kami sa hospital ang mga doctor's at nurse's naman ay takbo dito takbo doon para daluhan ako at dalhin sa emergency room.

Third person POV:

Kanina pa balisang balisa si Kurt sa labas ng emergency room habang hinihintay ang doctor na umaasekaso kay Caszie ngayon.

Kanina pa siya palakad lakad sa hallway. Halatang kinakabahan siya sa kong ano ang sasabihin ng doctor na nag aasekaso Kay Caszie ngayon. Halatang nag aalala siya sa lagay ni Caszie.

Kanina niya minumura at pinapatay sa isip niya ang kung sino man ang gumawa nito Kay Caszie.

Ilang minuto pa ang hinintay ni Kurt hanggang sa lumabas ang doctor galing sa emergency room.

"How is she doc? Is she okay?" Sunod-sunod na tanong ni Kurt sa doctor.

Ngumiti naman ang doctor kay Kurt na siyang ipinagtataka ni Kurt. Gusto na niya sigawan ang doctor pero hindi niya natuloy dahil sa sinabi ng doctor kay Kurt na ikinatahimik at ikinagulat nito.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon