chapter 25

2.3K 58 13
                                    

Hanggang sa makauwi ako iniisip ko parin ang sinabi ni Kurt bago ako umalis sa Batangas kanina.

Sa gabi ding iyon ay hindi ako nakatulog kaya pagkagising ko sa umaga ay para akong zombie na hindi maintindihan ang mukha. Buti nalang hindi nag tanong ng kung ano-ano ang anak ko kong ano nangyari sakin.

Hindi ko alam kong pano ko sasagutin ang anak ko kong sakaling tanongin niya ako. Should I tell him that her daddy and I are seeing? And her mommy and daddy are working together? I don't know what to do.

Sa tuwing nakikita ko siya hindi ko maiwasang masaktan sa lahat ng ginawa niya sakin, samin ng anak niya. Masakit parin hanggang ngayon.

Simula ng talikuran at iwan niya ako sa loob ng hospital ay nawala narin ang pagmamahal na meron ako sa kanya. Pinutol ko narin ang kong anong meron kami at kinalimutan ko narin siya bilang ama ng anak ko. Ngayon walang ama ang anak ko at ako lang alam kong kontento na ang anak ko kong ano man meron kami ngayon at hindi namin siya kailangan sa buhay namin.

Hindi ko na alam kong saan na si Ella ngayon at ano na ang nangyari sa kanya.  Simula nang umalis sila ni Kurt sa hospital na iyon ay pinutol ko narin ang pagkakaibigan na meron kami.

Hindi ko na sila kailangan sa buhay ko ngayon kontento na ako sa anong meron ako, kontento na ako na meron akong isang kirt sa buhay ko.

I've learned so many things in life in my everyday.

Five years ago, I really hate my birthday's, why? Because in my freaking birthday they left me, the truth slap me that I will never be with Kurt anymore. Truth slap me that Kurt will always  choose Ella than me. Kurt, made me realize that Ella is better than me. Ella, made me realize that Kurt will always choose them than me and my child. I never enjoy my birthday's. Yes, I'm happy when I'm with my family and Kirt, I'm happy with them while celebrating but at the night I breakdown and they have a lot of scenarios flashing on my mind that will trigger my depression.

Kahit ga'no man kayo katagal na magkasama sa kasiyahan at kalungkutan man iyon ay kaya ka iwan ng taong nakasanayan mo na.

Hindi lahat ng tao na nakakasama mo sa lahat ay kayang mag stay sayo kasi darating ang oras na iiwan karin kahit ga'no man kayo ka tagal mag kasama.

Kapag may umalis na tao sa buhay mo hu'wag mong dibdibin masyado dahil kong may aalis meron namang dadating na mas better sa kanila.

Removing toxic people in life is a biggest win.

If the people's around you is not healthy to you, leave them or else let them leave you.

"Anong iniisip mo?"

Nagulat nalang ako sa biglaang pagsulpot ni Hazel sa harap ko at may dalang kape pa ito.

Hindi ko napansin na lumalim na pala ang pag-iisip ko.

"Wala naman. Bakit ka nandito? Bumalik ka nga dun sa table mo."

"Wala daw pero nong tinawag ko hindi sumagot, naka ilang tawag na ako sa'yo." Sabi niya pa sabay inom sa kape na dala niya. "Lunch time na, anong kalutangan yan?"

Tumingin naman ako sa oras at tama nga ang sabi niya at lunch time na. Ang lalim naman ng iniisip ko.

"Lunch na pala eh ba't kapa nag kakape jan?"

"Inubos ko lang yong kape ko kanina. Tara na nga lunch na tayo, baka mabaliw kapa jan kakaisip kong ano man yan."

"Tsk. Tara na."

Inayos ko naman ang mga gamit ko at kinuha ang wallet ko at nauna na sa kanya umalis pumuntang cafeteria ng kompanyang ito.

Ilang minuto nalang din naman at tapos na ang lunch break namin kaya nag madali na kami ni Hazel kumain at bumalik na sa table namin at nag umpisa nanamang mag trabaho.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon