chapter 34

2.2K 45 0
                                    

A/N: So, hi margarita's!! May ginawa po akong gc for my readers po at inaanyahan ko po kayong sumali doon. Gustong gusto ko po kayong ma interact at mahingan feedback tungkol sa story ko na ito. Doon narin ako mag update about sa story ko at sa mga up coming story ko pa at kong gusto nyo ma spoil ng konti spoil ko narin kayo hehe, joke. Sa mga gusto pong sumali pweding pwede  po kayo mag message sa fb account ko (Marjorie WP) nasa bio ko po dito ang link ng aking profile at pwede nyo rin ako ma add.


"What?" Sigaw ko kaya biglang napatingin sakin si mommy at daddy ganon din si Kirt. "Okay, okay, I'm coming." Sabi ko sa kabilang linya.

"What happened, anak?" Tanong sakin ni daddy ng mababa ko na ang cellphone ko.

"There's an emergency at the site, dad, may gumuho daw kaya kailangan kong lumuwas ng Batangas ngayon." Sabi ko saka nagmamadaling magligpit ng mga gamit ko.

"Okay, okay, may ingat ka, drive safely." Sabi sakin ni daddy.

Tumayo narin naman ako saka yinakap si mommy at daddy ganon din ang anak ko.

"Aalis muna si mommy baby okay? Pakabait ka dito kay Lola at lolo, okay? Tatawagan ko nalang ang daddy mo na siya nalang ang sumundo sayo later."

"Okay, mommy, mag ingat ka po."

"I will baby, babye, I love you, okay?"

"I love you too mommy, uwi ka po kaagad."

"I will."

Pagkatapos ko mag paalam sa kanila ay umalis agad ako at pinaharurut ang kotse ko paluwas papuntang Batangas.

Tinawagan ko naman agad si Kurt para ipaalam sa kanya na siya nalang ang sumundi kay kirt.

"Hello, love?"

"Kurt, pwede bang ikaw nalang ang sumundo kay kirt kila mommy? May emergency kasi sa site sa Batangas may gumuho daw."

"Yeah, sure." Sabi naman niya. "Yeah, I know, tumawag nga sakin si architect Reyes. I can't go now marami pa akong tinatapos na papers na kailangang permahan nagpadala nalang ako ng isang architect doon para maghalili sakin."

"Okay, I have to go  na nag da-drive ako ngayon."

"Okay, okay, keep safe and drive safely, okay? Uwi ka kaagad hintayin ka namin ni Kirt, I love you, love."

Tila nagulat naman ako sa huling sinabi ni Kurt pero sa huli ngumiti nalang ako at sinabi ang mga katagang matagal ko ng hindi nasasabi at tinatago.

"I love you too, love..."

Binaba ko naman agad ang tawag at pinagpatuloy ang pagmamaneho ko. Naabutan pa ako ng traffic kaya medjo natagalan ako.

Pagtingin ko naman sa langit ay biglang dumilim  kaya bigla akong kinabahan kasi mukhang uulan pa ng malakas pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Tumawag narin ako kay engineer Cruz para makibalita kong ano na ang nangyayari ngayon dun.

"Hello, engineer Cruz, mukhang matatagalan siguro ako makarating jan dahil na traffic ako ngayon."

"It's okay, engineer Caro, Hindi parin humuhupa ang pag guho nito at patuloy na nasisira ang kabilang parte ng bahay." Balita niya sakin.

Tela nagulat naman ako sa balitang binalita sakin ni engineer Cruz at biglang kinabahan. Paano nangyari iyon?

"What the? Bakit nangyari iyon? Paano nangyari iyon?" Tarantang tanong ko naman sa kanya.

"For now hindi pa namin alam, engineer Caro, punta nalang po kayo dito at dito nalang po natin pag-usapan ang nangyari."

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon