chapter 6

1.7K 59 2
                                    

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Ella nang palabas na kami ng school.

"Oo Naman. Bakit?"

"Para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa."

"Hmm..."

"Ano ba nangyari? Ayos naman tayo kanina bago pumasok ng library tas nang magsimula na tayo gumawa ng assignment natin para kanang wala sa sarili at parang pinagsakluban ng langit at lupa." Mahabang lintaya ni Ella sakin.

Ganon naba ako kahalata na nasaktan ng kaunti? Oo kaunti lang.

"Ayos nga lang ako. Don't mind me." Sabi ko at nauna ng mag lakad.

"Okay. Sabi mo eh" Sabi nya saka sumunod narin sakin.

Hindi ko na siya sinagot at nag patuloy nalang sa pag lalakad ko.

Ganon naba kalalim Ang pagkagusto ko Kay Kurt? No! This can't be. Hindi pwede mangyari ang naiisip ko. Hinding Hindi ko hahayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya. As soon as possible titigilan ko ng kahibangan na meron ako sa kanya Kasi alam ko sa huli masasaktan lang ako... Sasaktan nya lang ako.

Winaksi ko nalang iyon sa isip ko at nag patuloy nalang maglakad papunta sa parking lot. May sarili na akong kotse regalo ito ni daddy sakin noong huling birthday ko at marunong narin ako mag drive dahil pinaaral ako nina kuya noong nasa legal age na ako sa driving school.

"Mauuna na ako sa'yo." Paalam ko pagkakuwan Kay Ella dahil nakarating na  kami sa parking lot.

May sarili rin siyang kotse Kaya nag kanya-kanya na kami punta sa mga kotse namin na magkatabi lang din naman.

"Osige. Ingat ka." Sabi naman nya sakin saka binuksan ang pinto ng kotse nya.

"Ikaw din." Sabi ko saka pumasok na sa kotse ko.

Nauna na akong umalis sa kanya dahil gusto ko na talaga humiga sa kama ko at matulog. I'm so tired... This day is so tiring. Maraming nangyari na hindi ko inasahan.

Hindi kalaunan ay nakarating narin ako sa bahay. Medjo gabi narin dahil katatapos lang namin gumawa ni Ella ng assignment namin sa library na yun.

Sina Kurt at ang babaeng kasama nya kanina ay hindi rin nag tagal dun at umalis narin siguro tapos na ang ginagawa nila at siguro matagal na sila dun. Habang dun naman Siya ay ramdam ko naman na sinusulyapan nya ako dahil magkaharap lang ang lamesa namin at ganon din kami.

Nagtagpo rin ang mga mata namin ngunit ako naman ang unang bumabawi sa titigan naming dalawa. Hindi ko Siya kayang tingnan. Nakakunot naman Ang kanyang noo ng mahagip nanaman ng mga mata ko Ang lamesa nila. Iniwas ko agad ang mga mata ko sa kanya at bumalik nalang ulit sa binabasa ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng paggawa ng assignment namin ni Ella ng dumaan sila sa harap namin. Tapos na siguro sa ginagawa.

"Hindi paba kayo tapos?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Kurt samin.

Hindi ko siya pinansin o kahit lingunin man lang. Manigas ka jan!

"A-ah Hindi pa." Si Ella na ang sumagot dahil wala akong balak na kausapin siya.

"Ano ba yang ginagawa nyo?"

"Assignment" si Ella ulit ang sumagot dahil ayaw ko talaga Siya kausapin manigas Siya jan.

"Oh, okay." Ramdam ko ulit na nakatingin Siya sakin ngunit hinayaan ko nalang din ulit Yun. "Ingat nalang kayo"

"Kayo din."

At pagkasagot ni Ella nun sa kan'ya ay umalis nun agad sila. Ngumiti lang samin yung babae at sabay sila umalis ni Kurt. Hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy nalang sa ginagawa.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon