chapter 29

2.3K 55 1
                                    

"Mommy! Mommy!"

Hindi ko naman sinagot ang anak ko dahil antok na antok pa ako at gusto ko pa matulog pero ito namang anak masyadong energetic ang aga-aga.

"Give mommy five minutes baby."

"Mommy, daddy is here. Wake up kana po."

"Shh. Baby, baka inaantok pa si mommy mamaya mo na gisingin."

Bigla naman ako naalimpungatan sa biglang pagsalita ng isang lalaki sa tabi ng anak ko. Bigla ko naman minuklat ang mata ko at bumangon bigla.

Wtf?! Anong ginagawa ng hinayupak nato dito at ang aga pa.

"Good morning, mommy."

"Good morning, babe."

Wtf?

"Good morning baby." Bati ko rin sa anak ko saka hinalikan sa pisngi. "What are you doing here? Ang aga pa Kurt." Singhal ko naman sa kanya.

"I'm visiting my family, why? is there a problem of that?" Kibit balikat na sabi naman niya.

"Pano mo nalaman kong saan kami nakatira, huh?!"

"It's a secret babe. Now get up and let's eat."

Wow naman akala niya maayos na kami.

Tumayo naman agad ako at hindi ko napansin na naka nighties pala ako at walang suot na bra at short kaya rinig na rinig king sumipol si Kurt kaya tiningnan ko ito ng masama na ikinatawa niya lang.

"Manyak." Sigaw ko sa kanya at pumasok na sa Cr para maligo nalang.

Rinig na rinig ko naman ang pag tawa nilang mag ama at rinig ko rin ang pag bukas at pag sirado ng pinto kaya alam kong naka labas na sila.

Mag sama silang mag ama.

Inis na inis naman akong tiningnan ang mukha sa salamin ng loob ng banyo ko. Kitang Kita ko rin kong pano pumula na parang kamatis ang pisngi ko.

Argh, kuuuuuurt!!

Noooooo! Ayaw ko na, hindi na mauulit ang dati. Hindi ko na kaya pa kapag maulit man iyon. Hanggang sa maaga pa pigilan ko to, hindi pwede tama na yong nakaraan hu'wag nang maulit pa iyon.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

'This is the last time that I will cry about my past, this will be.' sabi ko sa sarili ko at nag umpisa na maligo.

Pagkatapos ko maligo ay ginawa ko lang mga morning routines ko at lumabas na ng kwarto ko. Naabutan ko naman ang mag ama sa kusina na nag luluto at nag kukulitan.

Hindi ko maiwasang ngumiti sa nakikita ko ngayon. What a nice view in a morning.

Dumiritso naman ako sa lamesa at inayos iyon at tinulungan na silang mag handa para sa agahan namin.

"Where's your nanny Nilda, baby?"

"May pupuntahan daw eh." Si Kurt naman ang sumagot.

"Ah, okay." Sagot ko naman at bumalik na sa pag-aayos ang mesa. "Matagal pa ba yang niluluto mo?"

"Why? Are you hungry naba?"  Tanong naman niya sakin habang nakatalikod.

"Yeah."

"Just a minute nalang babe maluluto na to." Sagot naman niya sakin pabalik.

Tumango lang din naman ako kahit hindi niya nakikita. Balak ko sanang mag timpla ng kape pero hindi naman ako hinayaan ni Kurt at ang sabi ay siya nalang daw ang nag timpla at umupo nalang ako.

Hiding The Architect's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon